Bitin naman. Kainis. Nakakamiss kayang manood ng mga ganyan.

Kinuha naman ni Sandy yung remote at nilipat lipat yung channel.

Kinuha ko naman yung phone ko at nakita kong may mga messages.

Inopen ko at isa sa mga nakita ko ay ang pangalan ni Tanya. Binasa ko.

"Hey! Busy? Pasyal tayo? Wala kasing magawa dito sa bahay"

Ganyan yung laman nung message niya.

"Nagtext si Tanya"

"Oh, anong sabi?" - Sandy

"Tinatanong niya kung bz tayo. Pasyal daw tayo"

"Oo nga. Pasyal nalang tayo. Wala din naman tayong ginagawa dito" - Freya

"Sige. Magsiligo na kayo"

"Kami lang? Bakit? Di ka sama" tanong sakin ni Tanya

"Shunga" - Sandy

"Sinong shunga? Ha?"

Bago pa makiliti ni Freya si Sandy, agad na itong tumakbo paitaas at pumasok agad sa kwarto niya.

Rinig ko pa ang mga katok ni Freya sa pintuan ni Sandy.

"Buksan mo 'tong pinto Sandy Chandria  Enriquez!"

Agad ko namang nireplyan si Tanya.

Sabi ko text text nalang kung san magkita kita.

--------

"Hey! Sorry i'm late. Traffic eh. Asan yung dalawa?"

"Nag-CR lang"

"Hi Tanya! Nandito ka na pala" - Sandy at Freya

"Hello. Oh ano na? Rakrakan na? Haha"

Haha. Di ko alam na may pagka-joker din pala 'tong si Tanya.

Nagtawanan naman kami.

"So, san first destination natin?" tanong ko sakanila

Nandito pala kami sa isang mall.

"Maglibot-libot na muna tayo dito. Window shopping? Haha. Tsaka tayo lalabas pag nagsawa na tayo" suggestion ni Sandy

His PropertyWhere stories live. Discover now