Time of my life

Start bij het begin
                                    

Tin: ano ba....

Di na natapos ng dalaga ang sinasabi kasi sinubuan na sya ng binata... nagulat naman ang dalaga pero ninguya na rin ang sinubo nito...

Slater: kakain ka rin pala eh ang dami mo pang arte...tsk tsk tsk!!!

Dinilatan ni Tin ang binata at magsasalita na sana nang bigla na naman syang subuan nito..

Slater: yan mas maganda ka pag ganyan tahimik lang na kumakain hehehe!!!

Nang matapos nguyain ng dalaga ang kinakain nito ay uminom ito ng tubig ,tinakpan ang bibig(para di na syamasubuan pa nito) at nagsalita...

Tin: ikaw !!! ikaw!!! na lalaki ka!! nakakainis ka na ha di ba nga sabi ko di ako gutom nakakahiya tuloy o pinagtitinginan na tayo kaloka ka!!!

Slater: asus kunyari ka pa jan ..tsaka pakialam ko sa kanila ano e sa gutom TAYO eh..

Tin: ikaw lang ok..tsaka dalian mo na jan malelate na tayo o..

Slater: o sige na po.. matatapos na.. ikaw ayaw mo na talaga???

Tin: ang kulit ayaw na nga eh...

Kinahapunan after class...

Tin: san ba talaga tayo pupunta?

Slater: basta alam mo.. wag na makulit..

nang dumating sa parorooanan ay...

Tin: pa secret secret pa to e dito lang to sa bahay nyo eh.. ano ba gagawin natin dito??

Slater: ang kulit mo talaga.. sunod ka na lang kasi..

Pumasok sila sa bahay nila slater. Maya-maya ay may iniabot itong supot.

Tin: ano to bat may dala kang damit na pambahay ko at may tsinelas pa?

Slater: Hay naku bihis na nga lang. Dito ka na lang sa kwarto ko.

At pinapasok nito si Tin tsaka umalis rin at nagantay sa labas. Samantala ang dalaga naman ay di mapakali. Iginala nya ang mata sa kabuoan ng silid ng binata malinis naman ito at di magulo.. typical na panlalaki ang kulay ng pintura. Napadako sa lamiseta ang paningin nya at napansin nya ang nakaframe na picture. Kung di sya nagkakamali kuha eto nung 8 yrs old sila nina Eco. Magkakaakbay sila dapat sa picture na yun kaya nga lang ay makulit talaga etong si Slater imbis na akbay ay ginamit nito ang mga kamay  para maging sungay ng dalaga. Loko talaga ang mokong na to sa dinami dami ng pictures ito pa talaga ang pinaframe kaloka. Naputol lamang ang paglilibot ng dalaga nang marinig nya ang binata sa likod ng pinto..

Slater: naku new year ka pa ba jan matatapos??

Tin: Anjan na po antay lang naman sandali at dali dali na nga syang nagbihis. At lumabas..

Slater: hay salamat naman..dun ka na muna sa salas sandali lang ako...

Just BelieveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu