"Mama, masaya ako para kay papa sa wakas at nangyari na rin ang pinapangarap niya" masaya kong sambit.
Sa wakas ay natupad na rin ni papa ang gusto niyang makamit ang maging presidente ng bansa.
Pero si mama malungkot. Naalala ko pa noong nag-away sila dahil sa kagustuhan ni papang ito. Kasabay rin kasi nito ay ang mga kaakibat na panganib ngunit hindi natatakot si papa rito dahil ang gusto niya ang pamunuan ang bansa.
"Ewan ko lang , Daiene.Hindi ako masaya sa desisyon ng papa mong ito....Masya....masyadong delikado."
"Ma, lahat naman ng tao napapahamak kahit pamilya pa ng presidente, walang takas sa kapahamakan pero imbes na pagtaguan bakit hindi natin harapin? Pareho lang din naman iyon. "
"Ang kagandahan mo saakin nagmana pero ang katigasan ng ulo at ang pagiging suwail sa ama...at ang katapangan rin" pagbibiro niya. Nagtawanan nalang kami at hindi nalang inisip ang kung ano-ano.
Ako Si Daiene(Dayen) Moureen (Morin) Fuego at ako'y isang anak ng presidente. Akala ko noong una masaya. Kasi bukod sa nirerespeto ka hinahangaan kapa. Pero di naman pala ganoon. May mga kapahamakan parin palang susubok sa iyo.Noong nag 18 years old ako may mga threats na ,may mga donation na ang laman ay patay na daga o ang mas malala ay ang....mga death threats. Sinasabi ko rin kina papa. Ang lagi nilang sabi 'wag matakot. Lumaban, 'wag magpaapi. Noong naging bente ako binigyan ako ni papa ng trainor para magsanay sa akin sa pakikipaglaban. Noong naging twenty-five ako nagsimula na akong magtayo ng mga negosyo. May nakakalaban may nakakakaibigan. Pero huwag magtiwala at palaging mag-ingat.
Habang kumakain nabulabug ang masaya naming kainan ng may pinagbabaril ang bahay namin. Mabilis ang naging pangyayari pero wla namang nasaktan sa amin. Dumating ang mga pulis pero Hindi na mahagilap ang mga nagpaputok.
"Maggy, pumunta muna kayo ng america at hindi ligatas ang mga buhay ninyo rito."
"Hindi pwede kung pupunta tayo ng america dapat kasama ka papa" agap ko
"Daiene,di nakayo ligtas dito."
"Pa, hindi yan kailan man magiging banta sa atin. Hindi ako papayag ng tatakutin nalang tayo ng ganon-ganon. Ipapahanap ko yan"
"Pero anak tama ang papa mo"si mama
"Ayoko ...at isa pa nandito ang buhay ko..wala roon.Kung ako ang inaalala ninyo...huwag...kaya ko ang sarili ko"
"Sige....kung Hindi ko yan mamababago...sige sumasang-ayon ako pero sa isang kondisyon"
"Ano 'yon?" Matapang Kong tanong
"Magtatalaga ako ng team na babantay sa iyo"
"Ano?!"
"That's my decision or pupunta ka ng america...mamili ka lang."
"Sige payag ako.Pero baka naman mas magaling pa ako diyan sa mga tao mo? In terms of self-defense?"
"Tignan natin"paghahamon ni papa
" Let see then....hahamonin ko yang team na sinasabi mo kapag na talo ko yan..walang magbabantay sa akin."mariin Kong sambit
Papa made a deep sighed
"Okay.."
I smirked ,then...Let's see
Kinabukasan,lahat ay nasa training area. Nag-suot ako ng legging and white-sleeveless. May limang myembro ang team nila.
"Daiene,sila ang team na magbabantay sa iyo-"
"Kung matatalo nila ako" pagputol ko
"Okay,whatever"
