Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

...

13 3 2
                                        

"I...I love you..so much,"

"I love you too,"

*

Grabe...ang weird ng panaginip ko kanina. Patuloy akong nakatitig sa dingding ng aking kwarto habang pilit na inaalala ang lahat.

Ding

'Good morning
           
               -from Shun'

Napangiti ako ng konti sa aking nabasang text.

I like you

Nawala ang ngiti saaking mukha nung naalala ko ang sinabi nya saakin kagabi. Pero i'm not that sure kung totoo ba yung narinig ko or guni guni ko lang yun. Pero what if totoo yun?? Anong sasabihin ko sa kanya? Anong sagot ko sa kanya? Ayoko pa namang mag ka boyfriend ngayon? Ayoko rin naman sya saktan? Ugh!

'Good morning dinnn

                   -Agatha'

I replied na kala mong walang nangyari. Siguro lasing lang talaga sya kahapon? E hindi naman nainom e? Or baka gutom or antok something? Ano kaya iniisip neto?

SHUN'S POV

HOOOLLLYYYY... Sumagot sya! I can't believe it! Sumagot nga sya! Does that mean na?? Ok lang sa kanya? Pero ayoko muna syempreng ligawan no! Aamin lang tayo mga men. Pero MYYYGGGGAAAADDDD sumagot talaga sya. Kanina pang umaga gusto ko syang i-text kaso sobrang natatakot ako sa magiging reply nya. Hala baka isipin nya nililigawan ko sya! Kailangan chill lang mga tol. Pero paano pag nagkita ulit kami? PAANO NA YAN?! KAILANGAN KO MUNA MAGPA-POGI! KAILANGAN KO PUMUNTA NG KOREA! SA AMERICA! SA LAHAT! WAAAAAAAAAHHH!!!

AGATHA'S POV

Siguro nga joke nya lang yun.

Lumabas ako ng c.r habang pinupunasan ang aking mukha. Bumaba at tahimik na naghanda ng almusal habang inaalala ang morning routine namin noon noong kumpleto at masaya pa ang bahay na ito. Dati kasi noong nandito pa sila mama at papa, ako ang gumigising sa kanila. Si papa ang magluluto sa umaga at si mama sa tanghali. Habang si autie Jess naman sa gabi. Ako naman ang nag liligpit every meal. Basta, lahat noon, sobrang saya. Every weekends, umaalis kaming lahat. Sometimes, I'm wondering bakit sila umaalis? Wala rin namang sinabi saakin si auntie Jess. Nagising nalang daw sya, wala na sila at iniwang nakabukas ang pinto.

Nagising ako sa katotohanang wala na talaga sila. Naging malungkot ang mga birthday ko. Pero auntie Jess tried to make me happy kahit wala na talaga sila.

Naisipan kong tawagan si Shun. I'm sad right now at kailangan ko ng makakausap.

Calling....

"Hello Shun?"

"Hi Agatha. How are you? Bakit ka napatawag?"

Natahimik ako sandali at huminga ng malalim.

"Naalala ko sila mama at papa," mahina kong sabi.

"Gusto mo ba akong pumunta dyan to cheer you up?"

"May time ka ba ngayon?" Minsan nakakahiya na sa kanya kasi sya nalang lagi ang nagpupunta dito. Di bale sa pasukan ako naman ang pupunta sa kanila.

"Naman. Ikaw pa ba? Sige punta na ako. See you,"

Umalis na sya. I sat down in my sofa eating ice cream while watching a movie I've watched more than 20 times. After 1 hour, nakarating naman si Shun dito dala ang isang plastik ng grocery na binili nya ata.

"Para saan naman yan?" I asked.

"Para saatin. Diba malungkot ka? So bumili ako ng mga pagkain na gusto mo," napangiti ako sa sinabi nya.

Sinamahan nya na akong manood ng movie and buti nalang naisipan nyang dalhin yung USB kung saan ang mga movies na hindi ko pa napapanood. Habang nanonood ay nag kwekwentuhan kami about sa kung saan saan.

Nakasandal ako sa balikat nya kumakain ng mga pagkaing binili nya. Nang bigla kong maalala ang mga sinabi nya saakin.

"Ano ulit yung sinabi mo saakin kagabi?" I  looked at him straight in the eye. Napaharap ako ng upo sa kanya at ganun din sya.

"Hindi ko din alam kung paano nangyari Agatha. Pero one day, I realized... Gusto na pala kita," sagot nya sabay tungo. Napangiti naman ako sa naging reaksyon nya.

"Pero if you want. Lalayuan nalang kita para you'll not feel ackward kapag magkasama tayo. Umm... Ok lang naman saakin kung ganun gusto mo," he smiled at me. Pero halata kong malungkot talaga sya. Pero ayoko naman na ganun mangyari.

"Ano ka ba Shun. Ok lang yun saakin. Atsaka thank you rin, may nakaka appreciate parin pala sakin kahit papaano " mahina kong tawa.

"Maganda ka kaya, ang bait mo pa. No wonder nagustuhan kita," natahimik kaming pareho sa sinabi nya.

"I-im sorry.. Nasobrahan ba?" Na halata kong namula sya na dahilan ng tumawa ulit ako. To be honest, ok lang din saakin na magkagusto sya saakin. Besides, mag bestfriend naman kami.

"Pero.... Ikaw? May chance ba ako sayo?" He asked with a serious face.

Tumingin muna ako sa mga mata nya. Sobrang kinakabahan sya sa sasagutin ko. I genuinely smiled at him at sumagot.

"Oo naman," nakangiti kong sagot.

Napasandal naman ang ulo nya sa sofa habang ang lapad lapad ng ngiti. Hindi ko ineexpect na magkakagusto pala saakin itong si Shun saakin. Pero...Paano naman kung ma-fall din ako dito sa lalaking ito? Pwede ba yun?? Posible ba yun? Oo naman syempre.

Rewrite The StarsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon