HP 5

1.2K 53 1
                                    

Alisis.


Dalawang araw na ang lumipas at parang ordinaryo nalang ang mga araw namin nina Sera at Venedict. Patuloy parin ang graduation practice at sa pagde-decorate sa room for the farewell party namin.


Nakakapagpanibago lang dahil wala ng bumu-bully sa amin dahil si Chester ay ngayo'y nagbago na. Pero hindi nawawala ang pagkabaliw niya, 'yong nangangasar na part sa personality niya. After I explained to him tungkol sa pagkatao namin ay gulat na gulat siya. Lumitaw nga din si Auntie na siyang nag-convinced pa sa kaniya lalo to be one of my Apostle. Ikinuwento namin sa kaniya lahat-lahat simula kung saan talaga kami nanggaling at paano kami napunta dito, paano namin binuhay si Sera at paano namin siya binuhay ulit. Gulat na gulat parin siya pati si Sera sa mga ikinukuwento namin pero sa huli ay tinanggap nalang nila ang kapalaran nila. Their fate to be with me and to protect me.

Gusto niya na daw mamatay dahil iniwan siya ng mga magulang no'ng bata pa siya kaya gano'n nalang siya kung mam-bully para hindi nila mahalata na mahina din siya sa puso. Pati ako ay hindi makapaniwala na ngayo'y naniniwala na, na may mga tao talagang nambu-bully dahil may kani-kanila silang rason at karanasan noon.

Tulad ni Sera, hindi parin lumalabas ang kapangyarihan na meron siya na para bang may oras na hinihintay. May timing ang lahat ng bagay kaya alam kong may oras din para sa mga kapangyarihan nila.

Ang ginagawa nalang namin ngayon ay nagpapakasaya dahil sinabi na namin ni Venedict sa kanila na sasama sila sa amin papuntang Avalon.


"Nakakainip na talaga dito. Masiyado ng boring." Turan bigla ni Venedict habang nakahawak ang palad sa baba niya habang nakapatong ang siko niya sa lamesa.


"Malapit na tayong umalis kaya mag-isip ka nalang Venny kung ano ang magpapasaya sa'yo." Sabi ko sa kaniya.

"Nakakainis nga dahil wala rin akong naiisip." Sagot nito pabalik.

"Dahil nga boploks ka." Agad kaming napalingon sa bagong dating na si Chester habang may nakakalokong ngiti sa labi niya.

Nandito kasi kami sa room namin habang nagde-decorate ng mga balloons. 'Yon nalang kasi ang kulang at matatapos na, kami kasi ang naatasan nito dahil 'yong iba naman ay sa pagkain.


"Huwag ka ngang sumabat!" Sigaw sa kaniya ni Venedict tapos nakataas pa ang isang kilay.

"Sus! Naga-guwapuhan ka lang sa akin eh!" Asar naman ni Chester sa kaniya pero agad naman siyang pinanlisikan ni Venedict.

"For your information impakto ka, unang-una, kailanman ay wala akong nakitang kaguwapo-guwapo sa mukha mo at pangalawa, I hate you kaya malabong nagu-guwapuhan ako sa'yo at pangatlo, truth hurts, hindi ka naman talaga guwapo." Agad akong napahagikhik sa sinabi tinuran ni Venedict na parang galit na galit talaga siya kay Chester.


"Tignan mo? Natawa si Alisis dahil lahat 'yon totoo." Dagdag pang asar ni Venedict.

Akmang magsasalita na sana ako ng may naramdaman akong kakaibang presensiya, napakalakas. Agad akong napatingin kay Venedict na ngayo'y nakatingin na din sa akin kaya agad din naman kaming napatingin kay Chester.


"What the hell is this feeling? Bakit parang may nararamdaman akong presensiya? And shit! This is incredible!" Sigaw nito kaagad kaya agad akong napatayo at lumabas ng room kasabay ang dalawa.

Huminto ako saglit at pinakiramdam ko ang presensiya at nanggagaling ito sa abandonadong building kung saan na-engkuwentro namin ang isang bampira.


"In the abandoned building." Agad kong sabi sa kanila at hindi ko na sila pinatapos at agad na tumakbo ulit.


Sabado naman ngayon kaya walang guwardiyang nagbabantay kaya do'n kami lumabas na imbis na tumagos sa ding-ding. Takbo lang kami ng takbo kasabay ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Kaba dahil kung ano na naman ang ginagawa nila dito at takot dahil baka may masaling inosente sa gulo na'to.

Academia: Hidden Powers Where stories live. Discover now