"Eh, gago ka pala, eh," sagot ko naman habang pilit inaalis ang kamay niya sa balikat ko.

Wala na lang din akong nagawa kundi hayaan siyang umakbay. Kapag pinuwersahan ko pa ang pagtanggal ng kamay niya ay baka mabalibag ko siya.

"Why don't we make a bet? First to fall in love lose?" maya-maya'y hamon niya.

Papatulunan ko ba 'to knowing what he said earlier must be true?

Pero mataas pride ko, wala akong inaatrasang kahit ano.

"Ako ba hinahamon mo?" mayabang kong tugon.

In no time, he let out a smirk and offered his hand for a handshake to seal the deal.

Ako namang tanga ay tinanggap din ang kamay niya.

Maya-maya lang ay bumalik na rin kami sa campus.

"Kumain na muna tayo. We weren't able to eat anything kanina," aya ng kasama ko.

The sun is setting. May tao pa kaya sa cafeteria ng ganitong oras?

Camille's POV

Kanina pa namin hinahanap si Anderson. Sa'n ba 'yon? Gumagabi na wala pa sila.

"Pumunta na muna tayo sa cafeteria," saad ni Charles.

"Mabuti pa nga siguro. Gutom na rin ako, eh. Baka nando'n na rin sila para mag-dinner," sabi naman ni Shaine.

Habang naglalakad kami, maraming ang nagbubulungan. This time, it's not about us.

"Grabe? Sila na ba? " hindi makapaniwalang tanong ng isang babae sa kasama.

"Hindi lang natin alam. Siguro...?"

"Kung anong bagong tsismis na lang ang laging kumakalat araw-araw," ani Shaine.

"Tara na lang sa cafeteria, " saad naman ni Davis at mas nagmadaling maglakad.

The moment we set foot inside the cafeteria, someone caught Shaine's attention that made her gasp.

"What the...!" sigaw ni Shaine kaya napalingon kami sa kaniya. Sinundan naming lahat kung saan nakatingin ang mga mata niya.

Our reaction is as epic as Shaine's. si Shaine naman na napa-sink in na ang nakita ay nakangiti na.

We found Anderson and Kim, they're together which is not shocking. What's shocking is Anderson is feeding Kim.

They're acting all so sweet. Why, though? This is so not Anderson. Someone like Anderson will never do such a gesture. And someone like Kim won't allow anyone to do that to her.

Natawa na lang ako. Ang cute nilang panoorin.

While Anderson is all smiley and sweet, Kim looks like she's ready to throw hands and feet any moment from now.

"Nagsusubuan sila..." lutang na sabi ni Charles.

Anderson's POV

Masaya kong pinagsisilbihan ang mahal na prinsesa Kim nang biglang may tumikhim sa likod namin.

"May dapat ba kaming malaman?" tanong ni Shaine na may mapanuksong ngisi sa labi.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

I looked at my hand which is holding a spoon. "Ahh... ito?" tukoy ko sa ginagawa.

Tumingin ako kay Kim na kanina pa nabubwisit sa ginagawa ko.

"I'm feeding my hungry little bubu," pagbi-baby talk ko kay Kim.

     "THE SACRED BOOK"Where stories live. Discover now