Magkatulad lang ang araw at ang buwan. Parehong nagbibigay ng liwanag. Parehong nagpapaalala ng oras. Pareho gumagabay sa mga nangangailangan ng ilaw.
Pero hindi katulad ng pagiging kapareho nila ng taglay na liwanag, may pagkakaiba sila.
Mag kaibang oras.
Magkaibang lugar.
Magkaibang responsibilidad.
Magkahiwalay.
Hindi nila pwedeng pag ilawan ang isa't isa. Dahil kung magkataon, magiging makasarili sila.
Sasabog ang liwanag kung magsasama sila. Mabubulag ang sansinukob. Makakasakit sila.
Tama na yung sila nalang ang masaktan.
Tama na yung wala ng ibang madamay.
Tama lang na maging makasarili sila sa paraang akuin nila ang lahat ng pasakit.
Dahil hindi lahat ng nag mamahal ay para sa kanilang minamahal.
Sakripisyo. Para sa lahat. Hindi para sa sarili.
"Sinong magbibigay ng init sayo sa tuwing malamig ang kalangitan? Sinong makakasama mong maghagis ng mga bituin? Sinong magpapatahan sayo sa tuwing malulungkot ka dahil sa latag ng kadiliman?"
Tanong ni araw para kay buwan, ngunit wala syang nakuhang sagot mula rito. Dahil sa isip nya lang naman ito nagawang itanong.
Napagpasyahan na ang lahat. Wala ng magagawa ang pansarili nilang hinaing.
Hinintay na lang na masanay sa lahat, sa pag iisa.
Nalungkot ngunit napapangiti rin sa tuwing madadaplisan ng kanya-kanyang liwanag.
Ang dulo ng araw ay papalitan ng buwan. Mula sa bukang-liwayway hanggang dapit-hapon.
Masaya silang makita ang isa't isa na magning-ning. Hindi man mag kasama sa oras at lugar.
Kahit nag iisa, nag niningning sila.
"Congrats. Ang galing mo! Nakuha mo!" Pagbati ng araw kay buwan, pagkatapos ay ginulo gulo pa nito ang buhok ni buwan.
Parang noon lang, ito ang palagi nyang ginagawa kay buwan. Malakas kaseng maasar si buwan sa tuwing buhok na niya ang pupuntiryahin ni araw.
Hindi alam ng buwan kung ano ba dapat na reaksyon niya.
"Salamat" pasasalamat ni buwan kay araw ng may halong ngiti. Kinakabahan siya, gaano na nga ba katagal mula noong huli silang magkita?
Saglit na napako ang paningin ng dalawa sa isa't isa, waring nag uusap, mata sa mata.
Tumikhim ang araw.
"Buti naabutan pa kita, busy sa trabaho e, saka trapik" Hindi lalong maialis ng araw ang kaniyang mga mata sa buwan, nakakasilaw ang kagandahan, walang pagbabago.
Ang buwan naman ay napalingon ng wala sa oras at wala sa lugar na tumingin sa kung saan, para makatakas sa paningin ng araw.
"Salamat, kala ko nga dika makakadating."
Naalala nya noong nakaraang linggo ng tumawag ang araw, nagulat pa siya dahil sa biglaang pagtawag nito, Hindi nya inaasahan.
"Nga pala, may regalo ako para sayo"
Noon ay hindi napansin ni buwan na may tinatago pala ang isang kamay ni araw sa likod nito, isang parisukat na regalo!
"para sakin talaga to?, salamat"
Nahihiyang tinanggap ng buwan ang regalo ng araw. Nag init sa hiya, saglit na dumaplis ang daliri nito sa daliri nya.
"para sayo talaga yan. Sana magustuhan mo, mikmik"
Saglit na nagtitig ang mga mata, saka naman napatingin sa relos si araw.
"Invited ka nga pala sa bahay, may konting salo salo na inihanda sila momy" Nahihiyang imbita ni buwan na tila hindi kayang tumingin sa mga mata ni araw.
"Yun nga e, mik may meeting kase ako e, may client ako na nag aantay sakin before lunch. Baka di na ako makasama"
Napayuko si buwan, pero agad din pinakita na ayos lang ang lahat, na hindi nya pinag handa ng paboritong ulam si araw, na hindi nya naman inaasahan ito sa kanyang graduation. Pinakita nyang wala lang ito at hindi naman makakabawas sa kasiyahan nya ngayon.
"Sige, okay lang, busy ka na e, saka after all thank you so much sa pag attend, kuya"
Nag palitan ng mga ngiti, tila ba may nakatagong damdamin na hindi naman talaga pinapakita ng mga ngiting iyon.
Tila ba may nais sabihin.
YOU ARE READING
Sol At Luna (One Shot!)
RandomMGA NILALAMAN: Buod Sikat ng araw Liwanag ng buwan Takip-silim Dapit-hapon SOL AT LUNA: Pag-usapan natin ang katapusan 🌞S O L AT L U N A🌜
