Bad Boy

7 0 1
                                        

Girl
   
         Iniwan ako ng mga magulang ko nong 5 years old ako dahil wala daw akong ginawang mabuti sa kanila.Inalagaan ako ng lolo at lola ko simula nong iniwan nila ako sa tagal ng pagsasama namin ng aking lolo at lola hindi ko pa din alam kung baket diko maramdaman yung totoong pagmamahal sabi nila dahil daw wala akong mama at papa  at wala akong kwentang anak kaya diko maramdaman yung tunay na pagmamahal.Hanggang sa lumaki ako na feeling ko magisa ako sa buhay kahit na nandyan ang lola at lolo para tulungan ako sa mga kailangan ko. After 5 years lumipat kami sa city nag-aral ako don ng grade 6 at sa ngayon collage na ako pero sa tagal kong nabubuhay sa mundo diko pa din mahanap yung tunay na ako.

             Habang naglalakad sa kalye mga 10:51 ng gabi may narinig akong may nagsusuntukan diko alam gagawin kasi first time ko lang maranasan yun nanginginig ako sa takot and then nagtago ako kasi baka makita nila ako baka madamay pa.Habang nagtatago may narinig akong tumakbo at ayun  nawala na yung nagsasapakan and then umalis ako sa pagkakatago at naglakad.Habang naglalakad may nakita akong nakahiga at walang malay nataranta ako at tumawag sa ambulansya .Habang tumatawag gumalaw yung lalaki at napatigil ako sa pagtawag tinanong ko sya kung okay lang pakiramdam nya at nagsalita sya
 
" hoyy okay ka lang ba?"

" sa tingin mo?"

"jusko naman!! ikaw na nga tinutulungan ikaw pa galit"

"sorry ah ikaw lang naman may gustong tulungan ako e

"ahh so dimo pala kailangan ng tulong!! bakit pa ba ako tumawag ng ambulansya?"

"pwede ba pabayaan mo na lang ako"

"tssss bahala ka dyan!"(umalis)

      Habang naglalakad napaiisip ako na ang pagalis ko ngayon ayy parang pagiwan sakin ng magulang ko.Napahinto ako at binalikan ang lalaki.Hanggang sa nakita ko na lang syang nakahandusay at walang malay.

Kinabukasan sa hospital
 

"bat ako nandito?"
 
"umm. nawalan ka kasi ng malay nong binalikan kita."

"aalis na ako"

"teka! di pa nga magaling mga sugat mo magpahinga ka muna dito"

"Diko na kailangan.Baka balikan lang ako ng mga yun"

" bakit ka ba kasi nila hinahabol?"

"wala kana don"

"bakit ba ang sungit mo?"

"ehh bakit ang daldal mo?staka na kita babayaran kapag may peran na ako"

"teka!"

"napahinto"

"ano pangalan mo?"

" rien. sige salamat na lang"

 
        Habang tumatakbo sya diko nasabi yung pangalan ko.Pero sana magkita ulit kami.

           

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bad BoyStories to obsess over. Discover now