"The Hello, Love and Goodbye message to my Yams"

33 0 0
                                        

"Yams, I wrote this message because I can't say this in person and it's killing me that I can't let you hear it. Last time, when we're together I tried to open up this thoughts to you but since we we're drank I failed to get that rightful decision coming from you. Yams, that time I want you to decide about us. Pero dahil nga sa kalasingan walang nangyari. Now, i'm writing this message for me to say my thoughts about us. For just a short period of time yams ang dami daming nangyari sa buhay ko. Noong bumalik ka at nagdecide to take part in my life ang daming nabago at ang daming nangyari na minsan napapaisip ako kung panu nangyari lahat ng yun.. Masyadong mabilis ang mga nangyari na di ko na alam kung totoo o hindi. Basta ang malinaw sakin subrang mahal kita na nakakalimutan ko na kung dito ba talaga ako masaya. Nung bumalik ka, you gave me courage, strenght, and power. You gave back my old self and you returned my self worth. Ikaw ung nagparamdam at nagpakita sakin ng mga bagay na matagal ko nang kinalimutan dahil mas pinili ko nang masanay sa mga sitwasyon na mayrun ako. Binalik mo yung dating saya ko. Yong saya na nawala mula nang nangyari ang mga bagay bagay noon. Noong una, ang dahilan lang naman ng lahat ay para palayain yung sarili ko at maibalik ang worth ko bilang tao pero mapagbiro ang tadhana, kasabay ng pagbabalik mo ay ang pagbabalik din ng pagmamahal ko sayo. Pagmamahal na mas sumubra pa sa inaakala kong kaya kong ibigay noon. Pagmamahal na di ko mapigilan, na di ko na maintindihan.😔 Nakakagawa ako ng mga bagay na di ko akalaing magagawa ko pag nagmamahal. Hindi ko na rin alam kung bat ko yun nagagawa basta ang alam ko pag masaya ka, masaya na rin ako. Hanggang sa isang araw, nung magkasama tayo, habang tinititigan kita habang tulog ka, naiyak ako. Naiyak ako kasi ramdam na ramdam ko na mag isa ako kahit na anjan ka lang sa tabi ko. Pag hindi kita nahahawakan, nakakausap, pakiramdam ko ng layo layo mo sa akin at nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Hindi ko alam bat ako nakakaramdam ng ganito. Ayaw ko naman ipilit na mahalin mo ko, kasi naiintindihan kita. Alam kong hindi madali yung tanggapin yung sitwasyon ko at mas lalong hindi madali na baguhin mo ung mga plano at gusto mo nuon para lang sa akin. Alam kung hindi madali sayo kaya nga sinasaksak ko sa isip ko na intindihin ka. Na antayin ka. Pero di ko mapigilan minsan. Takot na takot ako. Takot na takot akong mapunta lang sa wala lahat ng binigay ko dahil baka mag bago yung isip mo. I can feel na I'm doing too much already at natatakot akong baka wala na akong maitira sa sarili ko. Gusto ko mang sabihin lagi sa sarili ko na normal lang yan kasi nagmamahal ka. Pero bakit ganun? Habang tumatagal nakakaramdam na ako ng sakit at awa sa sarili ko? Unti unti nang nawawala yung saya. At nakikita ko na ung kakulangan mo. Yung mga bagay na di mo pa maibibigay sa ngayon. At yong totoong ikaw. Ikaw na hindi ganito at hindi ganyan.. Yung ikaw na iba sa iniisip ko. Hindi ko na alam kong kakayanin ko pang iundergo yung process mo kasi habang bigay ako ng bigay unti unti na rin akong nauubos. Kaya ngayon gusto ko na munang pakawalan ka at pakawalan yung sarili ko. Kasi sa totoo lang, i'm losimg my worth in the process and i think its not healthy in the future. I want to redeem myself fully. I want to give my self the worth she deserves na yung galing mismo sa akin hindi galing sayo hindi galing sa iba. I want to seek happiness on my own hindi ung happiness na galing sa ibang tao. Let us free ourselves from the responsibility of making each other happy. Lalo na ikaw. Di mo na responsibilidad na pasayahin ako. Siguro it's better that we will grow separately para magawa mo na yung gusto mo without minding me at the same time we can lessen the expectations, my expectations. Para na rin less pain at less overthinking on my part. Alam kong ang dami mo pang iniisip, ang dami mo pang plano at habang ginagawa mo ang lahat ng yon alam kung dadating sa point na mararamdaman kung d ako mahalaga, na hindi ako priority, na nasa huli lang ako lagi. Baka pag nagkataon susuko nalang ako bigla at mauubusan na. Ayaw ko yong mangyari kasi baka d ko na mabawi yong sarili ko at gusto ko talagang hindi ka iwanan at gusto kung andito lang ako lagi. Mas maganda na sigurong pakawalan na muna natin king anung mayroon tayo at gawin ang mga bagay2x na gusto nating unahin sa ngayon. I knew your not good in doing two things at a time. At sa ngayon malinaw sa akin na may mas mahalaga pa sa akin. Ayaw ko nang mkipagkumpetinsya pa duon. Hahayaan na kita. "PAG TAYO TALAGA, LIFE WILL MAKE A WAY." Baka. Baka naman. At lagi ko tong hihilingin sa taas. Kasi alam kong ito ung pinakagusto ko.. Pero sa ngayon, hayaan na muna natin ang isa't isa na lumaya. Unahin mo yung mga priorities mo, balikan mo yung mga standards mo at kilalanin mo na ng lubusan yung sarili mo. Saka na tayo sumugal kung totoo na. Kung tama na ang lahat, kapag handa ka nang ibigay ang oras mo, ang buong sarili mo sa relasyon na papasukin mo at kapag nakahanda ka nang papasukin ang iba sa mundo mo at hayaan silang manatili doon. Saka na kapag nabuo ko na ulit ang sarili ko, kapag nasanay na akong mag isa at kapag napuno ko na ulit yung sarili ko ng pagmamahal para d ko na kailangan mamulubi sa iba. Malay natin baka sa susunod nating pagkikita handa na tayo pareho, lalo ka na. Baka sa susunod, d na natin kailangang magtago at maipakilala na natin ang isa't isa lahat.Baka sa susunod, magmamahal ka na rin na walang pasubali, ng hindi pilit at hindi namimili. Baka sakaling sa susunod ang "you tried to accept me will become you are ready and willing to accept me." Bahala na. Basta Yams, lagi mong tandaan, mahal na mahal kita..at patuloy parin kitang mamahalin pero ayaw kong mangako ng anuman. Kung sakaling hindi man talaga tayo sa huli please wag mong kalimutang minsan ay minahal kita ng subra higit kanino man.. Masaya akong nakilala kita at buong buhay kong ipagpapasalamat na pinalaya mo ko sa buhay na muntik ko nang nakasadlakan. You are definitely my "oneday and someone" . And who knows you'll also be my "someday and someone".🤷‍♀️ I love you for always but goodbye for now. 🙂

Godbless!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"The rightful Choice At The Moment"Stories to obsess over. Discover now