Chapter 1

11 4 0
                                        


| Chapter 1 |

Vena's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang malambot na upuan habang nanunuod ng mga movies kasama ang boyfriend kong si Ally.

Kanina ko pa siya napapansin na may ka-text, siguro client lang niya yun o kaya mga katrabaho niya. Hinayaan ko nalang siya at nanuod nalang hanggang sa matapos ang palabas.

"Babe what time is it?"  Tanong ko kay Ally na nagulat at itinago ang cellphone sa kung saan na parang walang nangyari.

"It's already 6:30 in the evening babe. Why?" Si Ally.

"Oh okay, magluluto na ako ng hapunan." Sabi ko sabay punta sa kusina para mag prepare ng dinner namin ni Ally.

Minsan lang kami mag kita ni Ally dahil busy kami sa work si Ally nalang ang mayroon ako dahil namatay ang parents ko noong labing apat na taong gulang ako nang dahil sa aksidenteng hindi ko aakalaing mangyayari. Natuto akong mamuhay ng mag isa makalipas ang apat na taon, at nakilala ko si Ally, siya lang ang tumulong sakin at siya lang ang nasasandalan ko tuwing may problema ako.


6 years na kaming magkarelasyon ni Ally, habang tumatagal yung pagsasama namin, nararamdaman ko na nagiging cold na sa akin si Ally.

Kasalukuyan akong naghahanda ng hapunan nang makita ko si Ally na patungo sa harap ko.

"Matutulog muna ako saglit, gisingin mo na lang ako pag ready na yung dinner." Matamlay na sabi niya.

"Hmm.. sige, tatawagin nalang kita pag naluto na yung steak." Sabi ko.

Ilang minuto ang lumipas nang matapos na akong magluto, nakita ko si Ally'ng nakahiga sa sofa. Pinanuod ko siyang matulog.


'Ting!'

Hmm? Cellphone yun ni Ally ah? Sino naman kaya yun sa ganitong oras?


----------------------

Let's meet at 8:30pm in your condo.

From: B

---------------------

'Sinong B?!'

Nagulat ako nang hablutin ni Ally ang cellphone niya mula sa akin.

"Ahhh... ready na yung pagkain." Sabi ko.

Ang awkward.

"Let's eat." Pilit ang ngiting sabi niya.

Habang kumakain, iniisip ko pa din yung nag text kay Ally. Sinong 'B' naman kaya yun?

"Ahh.. Babe mamaya may ime-meet akong client sa office." Si Ally.

Client? O babae?!

"Okay." Tipid na sagot ko.

Hinugasan ko na yung mga pinagkainan namin, sinadya ko talagang bilisan dahil susundan ko si Ally kung client niya ba talaga yung ime-meet niya o babae.


Nasa kuwarto ako ngayon at hihintayin ko nalang si Ally'ng mag paalam sa akin.

Narinig ko yung pinto'ng bumukas at ang niluwa nito ay si Ally.

"Babe aalis na ako." Akmang hahalikan niya ako sa pisngi nang iniiwas ko ang aking mukha mula sa kanya.


"Okay." Malamyang sabi ko.

'Malaman ko lang talagang  may babae ka, patay kayo saking dalawa!'


Sinilip ko siya sa bintana at nakita kong nasa kotse na siya at umandar na ito papalayo sa condo ko.

Kaya naman, lumabas na din ako agad at pinuntahan ang office niya.

'Tignan natin kung office ba talaga o condo yang pupuntahan mo."

Nandito na ako sa parking lot kung saan nagta-trabaho si Ally. Pero hindi ko nakita yung kotse niya dito. Kaya naman lumakas yung hinala ko'ng may babae to'ng si Ally.

Dumeretso na ako sa condo niya, at doon ko nakita yung kotse ni Ally.  Ilang minuto na ako dito sa loob ng kotse, natatakot akong makita ang panloloko ni Ally saakin.


Naglakas loob akong pumasok ng condo ni Ally, hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan.


"Hmm.. oh! Ally! Faster please! Ahh!"

May narinig akong umuungol sa loob ng kuwarto ni Ally kaya naman nanginig ang buong katawan ko.


Unti unting hinawakan ng nanginginig kong mga kamay ang door knob ng kuwarto ni Ally at dahan dahang itinulak ito.


Tumulo ang mga luha ko nang makita ko ang babae na hubo't hubad na nakapatong sa kandungan ng boyfriend ko.

"Mga hayop kayo! Ikaw!" Nanggagalaiting sigaw ko.


Sinabunutan ko yung babae pero pinigilan naman ako ni Ally.

"Tama na Vena! Itigil na natin to! Si Tricia ang mahal ko!" Si Ally.


Sinampal ko si Ally.


"Alam mong ikaw nalang ang meron ako sa mundong to! Alam mong ikaw nalang ang makakapitan at malalapitan ko Ally!! Ano?! Bakit?! Porket binigay niya sayo yung katawan niya mahal mo na agad?! Eh gago ka pala e!" Nanginginig na ako sa galit.



"Oo Vena, gago ako. Hindi mo man lang maibigay kung ano yung pangangailangan ng isang lalaki. Mahal ko si Tricia tapos!"
Binigyan ko siya ng mag-asawang sampal. Grabe ang kapal ng mukha!



"Maghiwalay na tayo Ally. Magsama kayo! Mga malalandi kayo!" Humagulgol na ako ng iyak pagkatapos kong sabihin iyon at lumabas na ako sa impyernong condo na iyon.


Hindi ako nagsisi na hindi ko binigay ang katawan ko kay Ally.


Tuturuan ko ang sarili kong maging malakas at matapang simula ngayon.




___________________________

| A/N |

HI GUYSS! KAMUSTA? SANA NAGUSTUHAN NIYO ITONG FIRST CHAPTER NG INDEPENDENT!

Don't forget to vote and comment!

Please support my first book! Thank you in advance!

*Updates every MONDAY AND FRIDAY.


L♡VEL♡TS!

____________________________________________________________________




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INDEPENDENT || by _demonicgirlStories to obsess over. Discover now