"Ate, paabot naman ng salad" agad ko namang inabot iyon sa aking pamangkin na si Ellah.
Parang kailan lang pinaliliguan ko pa itong bata, ngayon nga ay pasalad salad na lang at pasali-sali sa mga pageants.
Puros usapan at ingay ng kubyertos ang maririnig sa bahay namin ngayon. Umuwi kasi si Tita Gen galing sa Saudi at heto nga kami nagsasalo salo at nagkakamustahan. Masaya naman ako dahil ang dami kong cute na mga pamangkin. Heto nga't pinapakain ko ang 3 years old na anak ng ate ko.
"Law kainin mo yang brocolli, dali naaaa" pang-uuto ko pa sa kanya. Ngumanga naman sya at isinubo nga yun
"Very good bibiii, dahil dyan bibilhan kita mamaya ng gusto mong vroom vroom" naglililikot naman sya pagkarinig ng vroom vroom kaya natalsikan ang blouse ko ng pagkain ngunit tinawanan ko lamang ito at dahan-dahang pinunasan ang mukha ng bata.
"Ayaaaaan! Kailan ka ba kasi mag-aasawa Ysha! ang hilig hilig mo sa bata, di ka na lang gumawa ng sarili mo hahaha!" kantyaw sakin ng aking tiyo
"Kaya nga! Rona! Kailan ba mag-aasawa tong anak mo? malapit na mag trenta wala pa ring sinasagot sa mga manliligaw nya" dagdag pa ng aking tiyahin
"Ewan ko dyan, kung kailan tumanda saka nawalan ng amor sa mga lalake" sagot naman ni mama
Nanatili lamang akong nakangiti at linilinis naman ngayon ang aking blouse. Ngayon na lang ulit napag-usapan ang tungkol sa aking paiging single hahaha, Apat kaming magkakapatid, pangatlo ako at 28 pa lang naman pero minamadali na nilang magpakasal. Gusto ko rin naman. Gustong-gusto.
"Mimi iyak?"
"Ha?" napahawak naman ako sa aking mukha at basa nga, kaloka napaiyak na pala ako. Agad ko naman iyong pinunasan at ngumiti sa pamangkin ko
"Ubusin mo na bi yung food mo, last na to o. Say aaah" untag ko pa dito
"May ipapakilala nga ako sayo Sha, anak ng katrabaho ko, pogi yun tapos architect na" Tita Gen
"Ako rin sheng, engineer akin" Tita Vivian
"Okay lang ko ta, wala rin akong oras sa mga ganyan" sagot ko
"Pero may oras ka magtravel-travel ha, nako Ysha hindi ka na bumabata" Mama
"Wala rin naman na kong mapapangasawa ma"
"Anong wala? e ang dami dami ngang nanliligaw sayo at nirereto nitong mga tiyahin mo"
"Ayoko nga!" napataas ang sagot ko kaya natahimik sila
"Noong nag-aaral ka kulang na lang tumira ka sa bahay ng nobyo mo't magpakasal tapos ngayon naman gusto ka na namin mag-asawa ayaw mo na!" Mama
"Yun na nga e! ayoko na kasi wala naman na kong mapapakasalan. Wala na!" Biglang tumulo yung luha ko kaya yumuko ako't nagpagpag ng damit, sakto namang tumunog yung phone ko.
"Excuse me, may emergency raw sa hospital" agad-agad akong tumayo at lumabas patungo sa kotse ko. 'Di ko pa nababasa yung message pero kailangan ko lang ng maidadahilan para makaalis dun. Pinaandar ko na yung jimny ko at tumigil rin nang makalayo layo na sa bahay.
Dumungok ako sa manibela at hinayaang tumulo ang aking mga luha
"How can you still hurt me so much?"
Dumiretso na ako tapos sa botika ko, I decided to sleep there since I left on a bad note sa bahay.
I just took a quick shower and slept, completely forgetting about the text message.
YOU ARE READING
Crimson
RomanceI actually don't know yet what to put here. But u can give my story a shot and leave a comment if u liked it and if I should actually continue.
