Unang pumasok si Billy, kasunod ni Vhong na naka-shade at may dalang red roses for Anne. Naka-tago lang siya sa likod ni Billy, gusto niya kasing surprise ang pag-bigay niya ng bulaklak kay Anne.

"Hi, this is for you pala." Medyo nahihiyang sinabi ni Vhong habang binibigay ang bulaklak kay Anne.

Nagulat naman si Anne at medyo kinilig. "Thank you, ang sweet mo talaga." Sambit niya at ngumiti kay Vhong.

"Nag-liligawan ba 'tong dalawang 'to?" Pabulong na tanong ni Vice kay Billy na kakaupo lang sa tabi niya.

"Siguro, halata naman e, di ba?" Pabalik tanong ni Billy. "Tsaka, I told him na kapag nag-kaanak na kayo ni K, magiging sila, so I'm guessing nanliligaw na siya." Dagdag nito.

"Dapat lang, matagal ng crush ni Vhong yan e. Torpe kasi." Sabi ni Vice. Tumango naman si Billy in agreement.

"Babe, gutom na ako, get me something to eat." Utos ni Karylle sa kanyang asawa.

"Ako din, babe." Lambing ni Billy kay Vice.

"Tarantado!" Galit niyang sinabi at nag-punta na sa harap para bumili ng pag-kain nila.

"Sabay na ako." Pigil tawang sambit ni Vhong at Billy bago sumabay kay Vice. "Init ng ulo mo, brad. Problema?"

Huminga ng malalim si Vice bago sumagot. "Ang tagal niyo kasi, gutom na ako e." Sambit nito habang kinakamot ang kanyang ulo.

Ng natapos sila ng bumili ng pag-kain dali-dali silang pumunta sa table nila para kumain dahil gutom na gutom na silang lahat, lalo na si Karylle na dalawa ang tiyan dahil sa dinadala niya. After nilang kumain ay balik trabaho ulit sila.

Four months has passed at medyo lumaki na ang tiyan ni Karylle. Hoping padin naman si Vice na babae ang lumabas para maka-gawa ulit sila. Nag-paschedule na din si Vice ng ultrasound to determine when the baby's due. After a few days, nag-punta ng hospital sina Vice at Karylle para mag-paultrasound.

"Mrs. Viceral?" Tawag ng isang nurse. Agad namang tumayo ang isang buntis na babae, ganun din sina Vice at Karylle. "Ah? Kayong dalawa si Mrs. Viceral?" Tanong ng nurse, nag-taka naman si Karylle.

"Aray!" Sigaw ni Vice dahil sinampal siya ni Karylle. "Bakit?! Anong problema?!" Tanong nito habang umiiwas sa bawat hampas ni Karylle.

"May asawa kang iba?! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ni Karylle, napa-tingin naman lahat ng mga tao sa hospital kay Vice.

"Ah, Misis, Viceral po... B-I-S-E-R-A-L." Sambit nung nurse habang inaawat si Karylle.

"Oh..." Napa-kamot ulong tugon ni Karylle. "Sorry." Mahinang sambit ni Karylle.

Vice sighed at umakbay sa asawa. "Okay lang, grabe ka... halos patayin mo ako." Biro nito. "Sige nurse, uupo muna kami." At umupo ulit silang mag-asawa.

Mga ilang minuto ang lumipas, tinawag na sila nung nurse. Ang tunay na Viceral, sina Vice at Karylle. Pag-pasok nila sa loob, humiga si Karylle sa higaan habang si Vice ay hinahawakan lang ang kanyang kamay at naka-tayo sa side nito.

"Good afternoon to the two of you, so let's check how's the baby doing!" Excited na pag-kasabi ni Dr. Teriyakisuzukihondacivic habang pangiti-ngiti. "So, Mrs. Viceral, how are you feeling today?" Tanong nito habang nilalagay ang gel sa tiyan ni Karylle.

"Uhm, malamig." Sambit ni Karylle at tinignan si Vice na naka-tingin ng masama sa doctor. Umiling nalang si Karylle at hinigpitan ang hawak sa kamay ng asawa, nakikita niya kasing parang nag-seselos si Vice. "So how's the baby?" Tanong nito,

"Well, you're currently 18 weeks pregnant and from the looks of it, that's your baby's face. See it?" Sambit nung doctor at tinuro ang monitor kung saan pinapakita ang shape ng ulo nung bata. "Cute, di ba? Mana sa mommy." Naka-ngiting sambit nito habang minu-move ang probe para hanapin ang heartbeat nung bata. "There, pakinggan niyo." Sabi niya.

Slow Love | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon