Tinitigan ko siya saglit pagkasabi niya nun.

"Pfft. Haha-"

 

Muntik na kong mapatawa, pagkarinig niya nun Tinitigan niya ko.

"Natawa ka pa di ka na makahinga diyan."

 

"Hindi.. nakakatawa ka kase. Okay lang naman ako eh. Hangin lang."

Hinapit niya ko sa bewang at hinipan yung mukha ko. Oo. Literal talaga. Hinihipan niya yung mukha ko. Inaayos pa niya yung bangs ko na tumatakip sa mukha ko. Pagtapos hihipan ulit yung bangs ko.

"Okay na?"

 

"Ha? Ah.. k-konti pa."

Ginawa niya ulit.

Hinipan niya ulit yung mukha ko. Yung lips niya.. ang pupula. Napapikit na lang ako bigla sa iniisip ko. Jusko! Tukso! Layuan mo ko!

Napansin ko tumigil siya sa pag hipan saken.

"Oh? Bakit? Hinihiling mo na ba sa tukso na layuan ka niya?"

Naadilat ako bigla, at nakita ko siya. Nakatitig saken ng nakakaloko. Tinulak ko nga, gago eh.

"Anong tukso-tukso ka diyan? Lul."

 

"Sus. Kunwari pa, naakit ka sa lips ko no?"

Inirapan ko siya.

"Naakit? Yuck Gino. Epal neto talaga. Hindi no!"

 

"Prinsesa.. okay lang naman saken kung gusto mong ikiss kita. Malay ko kung gusto mo pa lang ako first kiss mo."

Gusto kong matawa sa sinasabi niya pero hindi pwede, kaya tinulak ko na lang siya at tinalikuran.

Kahit naman ikiss mo ko, hindi pa rin ikaw ang first kiss ko.

Napapadyak na lang ako sa sahig tuwing maaalala ko yung nangyare, last 2 years ag- Haiy! Buti na lang mabait na ko. Naramdaman ko na naman hinihipan na nman niya yung tenga ko.

"Huy ano ba? Bakit sa tenga mo ko hinihipan?"

Napakamot siya tsaka napatawa.

"Wala lang. Para malapit sa leeg mo."

 

"Anong meron sa leeg ko?"

 

She's The Princess GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon