Oo nga pala, may training pa kami. Twice a day na kami nag ttraining ngayon, every 5AM and 6PM. Buti na lang Early dismissal si Prof, dahil may meeting daw.

"Okay class, Dismissed" Sigaw ng Prof ko, sa wakas! Agad-agad kong inayos ang gamit ko tsaka binilisang lumabas, Alam ko yang si Beatriz, napaka impatient.

"Shall we?" Tanong niya at malapad na ngumiti.

Nginitian ko rin siya, tsaka pumasok na sa kotse niya.

Buong biyahe ay tahimik lang kami, malayo-layo kasi ang building ng last class ko sa Beg. Pero kanina ko pa siya napapansin na tingin siya ng tingin sa'kin.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya.

Napansin niya siguro no kanina pa ako hilot ng hilot sa likod ko. "Kaya ko pa naman, medyo masakit lang likod ko" sagot ko.

"Are you sure na mag ttraining kapa? I can tell Ate Ly naman na you're not feeling well" Sabi niya, pero bakas parin ang pag aalala sa boses niya.

"Okay nga Lang ako, Beatriz. Konting masahe lang kailangan nito" Sabi ko tsaka tumawa para naman gumaan ang atmosphere namin.

Pagka rating namin ay pinagbuksan niya ako ng pinto at kinuha ang mga bag namin sa backseat. Kukunin ko sana ang bag ko pero siya na lang daw ang mag dadala.

"Ang aga niyo bes ah" naka ngiting sabi ni Michifu.

"Beh, gusto mo masahiin muna kita?" Tanong ni Beatriz. "Our training is not starting yet"

Hindi na ako tumanggi dahil masakit talaga ang likod ko. Pina dapa niya ako at umupo sa likod ko tsaka sinimulang masahiin ako. Napa pikit ako sa pag mamasahe niya sakin. Masarap sa pakiramdam ang masahe niya.

"Sobrang pagod mo ata ngayon, beh?" Tanong niya.

"Ang hectic kasi ng schedule ko ngayon, beh. Sunod sunod ang subjects, tapos ginawa ko pa yung thesis ko kanina" sagot ko.

"Aww, kawawa naman pala ang baby koo" Sabi niya at umalis na sa likod ko.

"Baby ka diyan"

Natawa naman siya. "Tayo na, nandito na sina coach" inalok niya ang kamay niya para maka tayo ako.

Our training went well at on the way na kami sa bahay. Sa likod ako pinaupo no Beatriz para daw maka higa ako kahit saglit lang. Super caring ng beh ko, nakaka touch.

Dumaan muna kami sa Jollibee drive-thru para may makain kami.

"Beh, here oh, eat this muna baka nagugutom kana" Sabi niya at inabot sakin yung large fries.

Ilang minute na rin ang nakalipas at nandito na kami sa bahay.

"How was your lunch date with Kianna pala?" Out of the blue kong tanong.

"Beh, it's not lunch date. Friendly date lang yun" depensa niya. Habang hina handa yung kakainin namin.

"Sus, ganon na rin 'yon"

Date pa rin yun 🙄

Tumawa siya at sinimulang kumain. "We just catched up, and do you know Marck Espejo?" Tanong niya.

"Si kuya Marck? Men's Volleyball ng Ateneo" naguguluhang sagot ko.

"Ah, yes. She also told me na she's seeing someone now, si Marck nga daw ng Men's Volleyball"

Tinignan ko siya kung may epekto pa ba si Kianna sa kanya, pero naka ngiti lang siya at tinapos na ang kanyang kinakain.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at natanong siya kung affected pa rin siya, pero sabi niya matagal na daw siyang naka move on, at masaya daw siya for them. Siguro nga, wala na, sana wala na.

Nasabi din niya "good friends" na lang sila. At hindi na sila na aakwardan sa isat-isa.

Bakit sobrang big deal naman ata sakin kung may feeling parin sila sa isat-isa? Eh kaibigan niya lang naman ako, pero hindi akin lang si Beatriz ganern charoos!

Naputol ang pag iisip ko nang may kumatok sa kwarto ko. Sino pa ba Kung hindi si Beatriz, kaming dalawa lang naman dito. May dala dala pa siyang unan.

"Beh, I can't sleep, pwedeng dito na lang ako? Pleasee" Sabi niya sabay pout, ang cute naman nito.

Natawa naman ako at pinalo siya ng slight. "Ano pa bang magagawa ko, eh naka higa ka na diyan?"

"Sige na, sleep ka na, Beh. I know you're tired. Dream of me Jho"

-------------------------

It's has been 9 months of inactiveness, hehe ✌️ peace y'all 💘

Congrats to the Lady Eagles for winning the game earlier.
#BraidBeaIsHot


















Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now