Chapter 23 "Thorn in a Rose" (Edited)

Beginne am Anfang
                                    

***

"Oh my god it's so refreshing! Maganda na ulit akech, nakakalurkey ang mabantot kong amoy kanina" Sabi ni Abby habang sinusuklay ang basa niyang buhok at diretsong nakatingin sa salamin para makita nya RAW ang kagandahan niya.

"Syempre kailangan hindi lang ako ang nakakakita ng angking ganda ko, kailangan ko rin tong ipakita sa iba, kailangang iexpose ang aking beautiful feslak para sa kapakanan ng sanlibutan" Sabi ni Abby at dali-daling nag-ayos at lumabas ng kwarto niya.

"Ilugay ang hair sumabay lang sa flow so come on let's GOOO!" Pakanta-kanta pang sigaw ni Abby habang naglalakad.

Ngunit na bigla na lamang siya ng may biglang magtakip ng panyo sa kanyang bibig. Pilit siyang nanlalaban ngunit parang nahihilo siya dahil sa amoy ng panyo.

Pilit siyang nanlalaban para makatakas o kaya naman ay makita niya ang mukha ng taong gumagawa ng kademonyohang iyon ngunit dahil sa sobrang pagkahilo ay unti-unti siyang nawalan ng malay.

"It's time to shut up miss piggy, simulan natin ang pangalawang laro sa mga pakielamero, so let's start it with you" 'yan ang huling narinig ni Abby bago s'ya tuluyang nawalan ng malay.

***

"Oh guys! Nandito na pala kayo" Sabi ni Charly ng makita niyang mga nakaupo sa lobby ang grupo nila Lyza.

"Kanina pa kaya! Nandiyan na rin yata sila Judy, mga nagsiligo lang dahil hindi kinaya ang inet!" Sabi ni Rose habang hinihilot ang kanyang ulo, talagang nakakastress ang init sa isla, parang nmasyado silang nakadikit sa sun sa sobrang init.

"Yeah, it's been a tiring day. Kulang talaga ang isang araw para malibot at makabisa ang buong isla" Sabi ni David kay Charly.

"Wait nga, kukuwa lang ako ng tubig. Charly, sa'n ba ang Kitchen dito?" Tanong ni Lyza dahil first time niya pa lamang sa hotel at hindi pa siya familiar sa lugar.

"ahh d'yan sa gilid merong paliko dun then may makikita kang pinto, pasok ka na lang then tadaaa! Nasa kitchen ka na" masayang explain sa kanya ni Charly.

"ang O.A mong mag explain ah! Che! Pero thanks" Sabi ni Lyza at tumungo na papuntang kitchen.

"Uy eh yung C.R nasan?" Tanong ni Rose. Kanina pa kasi siya naiihi.

"Wow ah! tagaturo na lang ba ng direction ang exposure ko sa storya na 'to?" Natatawang sabi ni Charly habang tinitignan si Rose na kanina pa nagpipigil sa pag-ihi.

"Tang ina naman! Extra ka lang sa story na 'to, mamamatay ka rin! Ituro mo na kung saan ang C.R. ng madagdagan ang exposure mo letche!" Nagpapanic na sabi ni Rose dahil feeling niya ay sasabog na ang kanyang pantog.

"Sa tabi ng Kitchen, andun yung CR" Sabi ni Charly, agad naman tumakbo si Rose papunta doon na ikinatawa ng mga kasamahan niya.

"hahaha! Nakita n'yo ba yung pagmamadali ni Rose, epic eh!" Tumatawang sabi ni Jaypee habang pinapanuod ang nagmamadaling tumakbo na si Rose.

"Hey! ba't ba kayo tumatawa? tsaka ba't parang nagmamadaling tumakbo ng CR si Rose?" Inosenteng tanong ni Andy sa kanila, kagagaling niya lamang ng CR dahil naligo siya. Napakainit kasi talaga sa isla, imbes na mai-enjoy nila ang ganda ng isla ay naiimbyerna lang sila dahil saksakan ng init dito.

"Wala! Masama na bang tumawa ngayon?" Tanong ni David.

"Sa sitwasyon natin ngayon, Oo masamang tumawa." Sabat naman ni Judy na bagong dating lang din. Lahat sila ay tumigil sa pagtawa, the Maldita queen was in the house again.

Death Game: The Royal BattleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt