CHAPTER 01

1.6K 23 0
                                        

(This is fan made. Kaya sana magustuhan niyo. Pls like and comment din po para maituloy ko sa next chapter. Salamat)

---))))))

kylie pov.

"Kylie paki deliver nga itong uniform sa CODEBLACK high school."narinig niyang sigaw ng ina niya na si melai na nasa ibaba. Nagbunganga nanaman ang maganda niyang ina.

"Ma five minutes.."sigaw din niya na nakapikit ang mga mata. Antok na antok kasi siya dahil alas kwatro na siyang nakatulog dahil sa ginawa pa niya ang project niya sa school na pinapasukan niya. Public school lang yun at syempre hindi yun kilalang school.

"Gumising kana dyan kylie. Hindi kana nga pumasok ngayong araw."sigaw ulit nito..

"Ma wala naman kaming ginagawa sa school. Saka tinatapos ko yong project ko na ipapasa bukas.."malakas na sigaw din niya..

"Sumasagot kapang bata ka.. Bumangon kana dyan.. Ang tigas ng ulo mo.."sigaw ulit nito. Ok
Nagtalokbong nalang siya dahil parang armalite kasi ang boses ng ina niya pero napabalikwas siya ng bangon ng may bumuhos na malamig na tubig sa kumot niya..

"Maaaa..."angal niya dito saka nagmulat. Basang basa siya..

Nakita niya ang kanyang ina na nakataas ang dalawang kilay nito.

"Gumising kana dyan kylie. Ang hirap mo gisinging bata ka. Para kang mantika.."talak nanaman ng kanyang ina.

Nakasimangot na umupo siya sa kama niya.

"Maa naman ei.. Pwede mo naman ako gisingin na walang tubig na ibubuhos.."angal na sabi niya.

"Buti nga malamig na tubig lang yan. Kong hindi ka pa magigising yong maiinit na tubig ang ibubuhos ko sa iyo."talak na sabi nito.

Napaikot nalang ang mata niya.. Palaging yun ang linya ng ina niya pero alam naman niyang hindi nito magagawa iyun..

"Maaa naririnig na ang boses mo sa mars. Alam mo ba iyun. Baka makuha ka nila at gawin ka nilang reyna nila kawawa naman kami dahil wala na kaming inang armalite na araw araw nagbubunganga."sabi naman ni buboy ang bunsong kapatid niya na dumaan sa pintuan ng kwarto niya na kakagising lang din nito.

"Manahimik ka dyan buboy pipingutin kitang bata ka. Diba may pasok kapa hala kumain kana doon sa ibaba.."talak ng kanyang ina saka pumunta ito kay buboy at tinulak tulak papunta sa labas.

Napailing nalang siyang pumunta sa banyo..

Ganyan araw araw ang nangyayari sa buhay niya. May ina siyang talak ng talak at may ama siyang palaging natatanggal sa trabaho dahil ilang beses na itong napapagalitan kaya ayun tanggal. Saka may kapatid siyang weird na matalino kong ano ano napapasok sa utak nito na hindi naman niya nagegets minsan..

------))))))

"Bilisan niyong kumain dyan. At ikaw naman andrew. Maghahanap ka nanaman ng trabaho. Palagi ka nalang natatanggal. Ano ka ba naman.."sabi ng kanyang ina. Nasahapag kainan na kasi sila..

"Honey my love hindi talaga sa akin ang trabahong yun.."sabi naman ng kanyang ama na kumakain ng pandesal na naghahanap ng trabaho sa dyaryo..

Napapailing nalang siya..

"Ilang beses mo na rin yan sinasabi sa akin yan andrew. Nakuu kaya hindi tayo umaasenso dahil sa iyo. Palagi nalang kasi palpak ang ginagawa mo."talak ng kanyang ina at pinapalo ito sa braso ng kanyang ama.

"Honey my love masakit.."angal naman ng kanyang ama.

"Kong nakinig lang ako sa magulang ko hindi sana ikaw ang pinakasalan ko at hindi ganito ang buhay ko ngayon.."sabi ulit ng kanyang ina. Sa totoo lang ilang beses na rin niya naririnig ang linyang yan..

Meteor Garden (Philippines Version)Stories to obsess over. Discover now