Untitled Part 1

1.5K 28 5
                                    

Ako si Manuel, 33 years old, bagong kasal sa kasintahan ko ng 5 years na si Kristina, nakabili kami ng bagong bahay dito banda sa Rizal. Pinagipunan namin ito ni misis ng ilang taon at sa wakas nakalipat na din kami. Simple lang ang bahay, 2 floors na may 3 kwarto sa itaas, sakto lang para sa isang maliit at nasisimulang pamilya. Wala pa naman kaming anak kaya maluwag pa ito sa ngayon. Malamang isang kwarto lang ang magagamit namin. Nagusuthan ko dito sa lugar na ito kasi malayo sa siyudad, tahimik at sariwa ang hangin, medyo hinahanap ko kasi ang setting na lugar na kinalakihan ko sa probinsya.

May mga kapitbahay kami pero hindi dikit-dikit, mga 2 blocks ang layo kung meron man. Mas gusto ko yun para walang ingay ng kapitbahay ang maririnig namin.

Minsan naiwan akong mag-isa sa bahay kasi umuwi muna si Tina sa nanay nya para umattend ng reunion. Hapon noon at wala din akong kausap at magawa sa bahay, nag desisyon akong maglakad-lakad sa labas. Magpahangin ba. Mga 5 metro na ang layo ko sa bahay at nadaanan ko ang pinaka malapit kong kapitbahay, nagwawalis sya noon ng mga tuyong dahon sa tapat, syempre binati ko naman kahit hindi pa kame magkakilala.

"Magandang araw po, nanay"

"Ay, Magandang araw din naman", naka ngiti nitong tugon. ngumiti din ako sabay tumuloy sa aking paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo ay bigla nyang tinanung kung wala ba akong nararamdaman sa bahay na yun.

"Anu pong ibig nyong sabihin?"

"Naka ilang palit na kasi ng may-ari ang bahay na yan, pang-apat na kayo sa loob ng 2 taon."

Tinanung ko kung bakit naka ilang palit na ng may-ari ang bahay pero hindi nya ako nasagot ng deretso, basta sabe nya lang na may nagpaparamdam sa bahay.

Hanggang sa tinawag na siya ng anak nya para pumasok at sinabing wag na daw sya mag kwento. Nagpatuloy ako sa paglalalakad pero napaisip ako sa sinabi nya.

Sa totoo lang, skeptic ako pagdating sa mga ganyang bagay, hindi pa kasi ako nakararanas ng mga kababalaghan sa buhay ko, pati na rin si Tina. Kaya kahit sabi samin na ipa-bless ang bahay ay pinagpaliban muna namin ito.

Gabi din ng mismong araw na yun at nagpapahinga ako mag-isa sa sala. Nanonood ng Tv at may hawak na laptop, nag checheck kasi ako ng messages galing sa trabaho. Mga 9pm na yun.

Madilim at tahimik na ang buong lugar.. Biglang nakarinig ako ng pagsitsit.

Psssstttt.....Psssssttt..

Hindi ko malaman kung sa itaas ba ng bahay, sa likod ko o sa labas nanggagaling, pinatay ko din ang tv baka kako dun nanggagaling, hindi ko din naman iniintindi ang palabas dahil busy ako sa laptop.

Pssssttttt.... Psssssttt..

Nilibot ko ang buong bahay, loob at labas. Wala naman akong nakita na kahit anu o kahit sinu.

Nag pasya akong magpahinga na, umakyat sa kwarto at matulog.

Mga ilang minuto na akong nakahiga at medyo naiidlip na ako ng biglang may narinig akong napakalakas na parang may nabasag sa ibaba.

Bssssshhhhhhh....

Napabangon ako bigla at dinampot ang lampshade na katabi ko para gamitin kong pamalo, inisip ko kasi na pinasok kami ng magnanakaw. Lumabas ako ng kwarto dala ang lampshade at celfon ko para magsilbing ilaw, ayokong magbukas ng ilaw baka kasi malaman ng kung sinu na nagising ako. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.

Nakikiramdam, hanggang sa makarating ako ng sala. Binuksan ko ang ilaw. inusisa kung anu ba ang nabasag, nagpunta ako ng kusina. Pero wala akong nakitang kahit anung basag. Takang-taka ako pero wala talaga, kahit anu.

Kinabukasan umuwi na si Tina sa bahay, pero hindi ako nagkwento tungkol doon, kasi ayokong matakot siya.

Kinagabihan.

Tulog na kami pareho, pero parang ang init ng pakiramdam ko, kahit bukas naman ang aircon, hindi ako mapakali. Nag desisyon akong mag shower ng saglit para ma preskuhan.

Hindi pa tapos ang CR namin sa Masters Bedroom kaya dun ako nag CR muna sa tapat ng hagdan. Mga 5 mins na shower lang ako at lumabas ako ng CR.

Nagulat ako ng nakita kong nakaupo si Tina sa may hagdan. umiiyak ito at nakayuko. nilapitan ko sya sa bandang likod, para tanungin kung anung problema at anung ginagawa nya doon.

Papalapit na ako.. hahawakan ko na sya sa likod.

"Hon, tulog na tayo" sigaw ni Tina na nakatayo sa pinto ng aming kwarto, nagulat ako bakit andun siya, paglingon ko sa may hagdan ay wala na ang babae. Kinilabutan ako at hindi makapaniwala sa naranasan ko, at sinu ang babae na yun.

Balisa ako nung mga sumunod na araw at palaging nasa isip ko ang babae, naghahanap pa din ako ng kasagutan imbes na matakot at maniwala sa kababalaghan.

Nagpunta ako sa kapitbahay ko para itanung kung may nalalaman sya tungkol doon. Hindi rin nya alam ang detalye pero ang sabi-sabi ng mga unang nakatira ay may nakikita nga silang babae na umiiyak sa may hagdan. Hindi din nila alam ang istorya nito pero ang tsisimis ay may na rape daw di kalayuan sa lugar namin at pinatay.

Kinagabihan, nag desisyun ako na ikwento sana kay Tina ang mga nangyayare pati na din ang kwento ng kapitbahay, kaso na promote siya nung araw na yun at masayang masaya sya, ayokong masira ang gabi na yun kaya pinagpaliban ko na muna.

Nakahiga na kami pero hindi pa kami natutulog, nagkekwento pa kasi sya tungkol sa mga plano nya sa trabaho nya, ng biglang..

Bssshhhh....Bssssshhhh...Bssssshhhh

May mga narinig kaming nabasag. Nagulat kami pareho at napatayo sa higaan, dalawa kaming dahan-dahang lumabas ng kwarto at bumaba kung saan nanggaling ang tunog.

Binuksan ang ilaw sa sala, at dun nakita na ang lahat ng salamin ng mga picture frame namin ay basag. Kinabahan kami pareho at nagtataka, sasabihin ko na sana ang lahat ng alam ko pero hindi pa ako nakapagsimula, ay may nakita kaming babaeng nakaupo sa itaas ng hagdan..

Umiiyak ito at nakayuko. hindi kami makakilos sa nakita namin, naparalisa kami ng takot.. hanggang sa....

Tumayo ito at naglakad pababa. Naglalakad habang umiiyak,,Tumakbo na kami palabas ng bahay at tumungo agad sa kotse para umalis, pero nakalimutan namin ang susi sa may sala. Pinapasok ko si Tina sa kotse at ako na lang ang bumalik sa bahay . Kahit na takot ay dali dali akong bumalik para kunin ang susi, nakita ko ang babae na nasa ibaba na ng hagdan. Halos kaharap ko na sya pero hindi ko makita ang mukha nya na natatakluban ng nanlilimahid nyang buhok, Ang puti nyang damit ay namantsahan na tila natuyo ng dugo. puno din sya ng sugat sa katawan, sa braso, sa kamay at paa. Papalapit na sya sakin.

"Anung ginawa nyo sakin?! Anung ginawa nyo sakin?"

Nanigas ang buo kong katawan, pilit kong ikilos ang mga binti ko pero talagang ayaw,, pumikit na lang ako nagdadasal habang papalapit sya sakin

Biglang may humawak sa likod ko, si Tina yun, sinundan nya ako sa bahay kasi ang tagal ko na daw.. luminga-linga ako at wala na ang babae. Kinuha ko ang susi at bumalik sa kotse.. umalis na din kami nung oras na yun.

Hindi na kami bumalik sa bahay na yun at sumangayon na sa Nanay na muna nya tumira, Binebenta na din namin ang bahay kahit na sa presyong palugi. Simula noon ay naniwala na ako sa mga kwentong kababalaghan. 

Bagong LipatWhere stories live. Discover now