Ako ay inaway ng masamang
Estudyante ng ako'y pinagtanggol mo,
Bigla akong nasiyahan dahil
Sinilang na ang magtatanggol sakin.
Mabilis ang pangyayari, tayo'y
Naging matalik na kaibigan.
Pinapasaya mo ako pag ako'y
Nalulungkot, lagi kang nandiyan pag
Nangangaylangan ako.
Sa tuwing nagkikita tayo binibigyan
Mo ako ng tsukolate at rosas,
Hanggang tumatagal ang oras
Lumalala ang aking nararamdaman.
Sa tuwing sabado at linggo nasasabik
Ako sa piling mo, ano na ba
Ang nararamdaman ko?
Ka'y sarap sa piling pag sinasabihan
Mo ako ng matamis na salita,
Ika'y nagagalit pag may kasama akong lalake.
Ako'y nasiyahan dahil ika'y nag seselos,
Umaasa ako na pariho
Tanong may nararamdaman.
Iba na yata ang nararamdaman
Ko sa iyo, bumilis ang takbo ng
Puso ko pag nakikita kita.
Hindi ko maipaliwanag pag mag
Dampi ang ating balat, parang may kuryente.
Ako'y namasyal ng makita kitang
May kasamang iba, ako'y durog na durog
Sari saring emosyon ang aking naramdaman.
Mahal na yata kita, ngayon ko lang
Naranasan 'ang selos '
Ako'y paluha na ng lumapit ka sa akin
At pinakilala mo ako sa kanya.
Nalaman kong kasintahan mo pala siya,
Ako'y ay subrang nadurog at nagulohan hindi kona kinaya,
Kaya ako'y nag paalam.
Nang ako'y tumalikod bumuhos ang luha sabay ang ulan, mabuti pa ang ulan sinabayan ako.
Hanggang kaibigan lang pala
Kami wala ng iba,
Nabihag ako sa makamandag na
Pag-ibig.
Ako ay naging asyomera
Binigyan ko ng malisya ang bawat lambing mo,
Kaibigan lang pala tayo.
Nakalimotan ko na kaibigan pala tayo,
Umasa ako na mahal mo din ako,
Dapat kona pala itong tanggapin
Ka'y sakit man isipin pero kailangan ko itong tanggapin.
