P a r t 12

25 2 0
                                    

ZOIE'S P.O.V

B-bakit? Bakit sa lahat ng tao sa mundo s'ya pa ang naging kapatid ni Aiston?! Pwede namang iba!!.
Iba talaga kapag na nadya ang panahon.

Napakabait sa akin ni Federico at ang maging
hadlang sa mga pangarap n'ya ang hindi ko ata kayang gawin. Pero paano ako? Hindi ako pwedeng sumuko dahil lang sa kan'ya. Ganito na ba ako kasama at kaya ko ng gawin ang masama sa taong unang tumulong sa akin. Sorry Federico pero hindi pwedeng mapasayo ang kumpanya. Gagawin ko ang lahat para hindi mapasayo... patawad dahil kailangan kong gawin 'to.

"Wow isn't it marvellous?! Both of my sons are getting married?!" Tuwang-tuwang saad ng tatay nila Aiston.

"Aiston paano na 'to may fiancé rin ang kapatid mo?!" Bulong ko kay Aiston.

"Let's talk about it later" bulong n'ya. Mababakas mo sa mukha n'ya ang galit.

Dahil dito pwede... hindi, hindi lang pala pwede kundi posibleng masira ang plano namin at baka mabuking na nagpapanggap lang kami dahil malakas ang pakiramdam ko na alam ni Federico na ako si ZOIE.

"Why don't we all sit down and enjoy the feast?" masayang yaya ng tatay ni Aiston.

Lahat ay may kanya-kanyang pinag-uusapan mapaghahalataan na ang atensyon ng pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga bagong tagapagmana ng kumpanya at syempre kaming mga fiance'.

"So how long have you been here Stella?" Tanong ng dad ni Aiston habang hinihiwa any steak.

"I've been here since I was born po,..." Medyo kabado kong sagot.

"How about you lha, what's your name?" Tanong n'ya sa fiance' ni Federico.

"Sorry I haven't introduce myself yet, I'm Luisa C. Verlagos owner of the Complex Magazine. Sir." Proud nitong sagot.

"Wow. Naka jackpot ka Federico." Masayang sabi ng dad nila. Sino ba naman ang hindi? COMPLEX  Magazine, One of the biggest Company here in the Philippines. Tsak na lalago lalo ang company nila kapag naging mag-asawa na sila ni Federico.

"How about you Stella ? Siguradong jackpot din sayo si Aiston. Knowing Aiston... my big bro" mapang-asar na tanong ni Federico.

Nablanko ako. Anong isasagot ko? Eh, hindi naman ako nang galing sa mayamang pamilya. Isa pa.. nagpapanggap lang ako na asawa ni Aiston.

"She owns one of the biggest casino here in Manila. The Harper's Casino...". Walang ganang sagot ni Aiston.

Tinignan ko sya ng may halong gulat at pagtataka. Tinignan n'ya lang ako na parang sinasabi na wag akong mag-alala at planado n'ya na ang lahat.

...........

Natapos ang mahabang usapin tungkol sa business at sa mga potential na maipapamana ng tatay ni Aiston na kailangan namin makuha bago kami maunahan nila Federico.

Pagka-uwi sa bahay nadatnan namin si Federico na kausap si Xian, Ang bunso sa lahat ng magkakapatid dito sa pamilya nila Aiston.

Biglang lipat ang mata ni Federico sa aming dalawa ni Aiston.

"Andito na pala kayo" Sabi ni Federico.

"Why are you here?" Tanong ni Aiston.

" Because it is also my house"

"Leave." Galit na sagot ni Aiston.

"Zoie..oh sorry I mean Stella how are you?" Tanong nito sa akin habang hindi pinapansin ang kuya nito.

"Will you stop calling my wife Zoie.. leave! " Matalim ang tingin ni Aiston Kay Federico at halatang naiinis na talaga ito.

"Bro.. I don't need your permission to leave, me and Luisa will stay here before are wedding until makuha ko ang company.." Nakangiti si Federico pero may halo itong pang-aasar.

Nakatayo lang ako havang kinakabahan at pinagmamasdan ang dalawa. Kung nakakamatay lang ang titig nila sa isa't isa tumba na sila pareho, si Xian naman walang pakielam.

Magsasalita sana ako ng umbagan ni Aiston ng malakas na suntok si Federico.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FROM NERD TO GODDESSWhere stories live. Discover now