Pero ako ata yung ayaw matauhan na hindi na pala kami pwede ni sabrina.

Lalo na nung makita ko syang umiiyak kanina. Sa harap nang madaming tao na kafocus sa kanya umiyak sya.Ayaw na ayaw nyang nakikitang umiiyak sya lalo na sakin. Ayaw nyang nakikita ko syang umiiyak

Nung mga oras na yon gustong gusto ko syang yakapin tapos sabihin sa kanya kung gano ko sya kamahal para hindi na sya masaktan

Bakit ba kasi ako naiipit sa ganitong sitwasyon.

maya maya nakasalubong ko si mama

"Goodmorning maam calden :)" bati sakanya nang mga students na napapadaan

"Ma!"

"O ano okey ka lang ba?" alalang alalang sabi nya sakin

"Hindi na masyadong masakit pero namumula parin yung pisngi ko"

"Ikaw kasing bata ka! Napagkamalan mo bang si sabrina yung kakambal nya? Imposible naman nyan. Ang puti ng girlfriend mo e tapos yung kahalikan mo kanina morena yon e!"

"Hindi yun ma...."

"Eh anong problema?"

Hindi ako sumasagot sa tanong nya. Di ko pa ata kayang sabihin kay mama na may nabuntis ako. Pero hindi ko talaga alam honestly hindi ko alam kung totoo yung sinasabi ni sabina alam ko lang lasing ako nung time na yon. Napakaimposible kasi pero isang bagay lang ang sigurado ako, may nangyari na samin ni sabrina. 3rdyear college palang kami pero disidido akong panagutan sya kung nagkataon pero si ina yung kakambal nya wala talaga akong natatandaan? Pero bakit sya pa ang nabuntis?

"Okey.... What if isulat mo nalang kung hindi mo kayang sabihin?"

Eto na din siguro yung solusyon sa problema ko hindi ko pa din kasi kayang sabihin nang harap harapan

Natatakot din kasi ako na baka kung sabihin ko ng harapan dumating ka point na kailangan kong sabihin na kalimutan ko na siya. Ang sabi nya kasi noon sakin kapag daw hindi ko na sya mahal sabihin ko na daw na kalimutan ko siya para daw hindi masyadong masakit.

"Nak! una na ko huh! Ayusin nyo yan ni bree" sabi ni mama sabay tapik sa balikat ko

okey ngayon alam ko na ang gagawin

"Hey dude! "

*bgshhhh*

"WHAT THE FUCK. INIEGO ANONG KASALANAN KO SAYO! "

"DUDE!" Bigla naman akong napalingon kay kevin

"bggggsssshhhh*

"Anong kasalanan mo? Para yan sa kambal na kapatid ko!"

"Para yon sa babaeng mahal na mahal ko at ipinaubaya ko sa gagong kagaya mo!"

Nagulat at kinabahan ako sa sinabi ni iniego hanggang ngayon parin pala mahal nya si sabrina.

"Sa lahat ng babae sa mundo bakit si sabrina pa?"

Bakit nga ba sya pa yung nasaktan ko nang ganito?

"Mga gago pala kayo e. Bakit anong akala nyo ginusto ko yung nangyari? WHAT THE FUCK! SIMULA SA UMPISA HANGGANG SA HULI SI SABRINA LANG YUNG MAHAL KO"

sagot ko habang pinapagpagan ko yung damit ko. Tangina ansakit nang suntok sakin ni kevin. Pasalamat ka kuya ka nang babaeng mahal ko

"Gago ka talaga kung si sabrina naman pala yung mahal mo bakit na kay ina ka?"

"Buntis sya ." Walang kabuhay buhay kong sagot kay kevin

Nakita kong napatulala silang dalawa.

Drifting ApartWhere stories live. Discover now