All rights reserved. Names, places, events and characters are just product of the author's imagination. Any resemblance to reality is purely a coincidence.
Copyrights © March 2019
___
"GIVE ME MARTINI with Beefeater, make it dry and straight up!"
Naangat na lamang ang mga kilay ng lalaking bartender sa paraan ng pag-order ni Roxane ng inumin. Hindi nito napaghandaan ang pagkabastos ng kanyang tono lalo pa't nahahalata nito ang pamumula ng kanyang pisngi. Ngayon din lamang niya itong nakita at alam niya agad na baguhan ito dahil hindi siya nakikilala.
"Do you even hear me, pal? Nakakaintindi ka naman siguro, ano? Hindi ka naman mukhang foreigner at hindi ka rin iha-hire rito kung bingi ka nga," pagtataray pa niya.
Ilang sandali ay napangiti ang lalaki sa kanya. Masuring tinitigan nito ang mahaba at blond niyang buhok, ang tangos ng kanyang ilong, porma ng kanyang mga kilay, kurba ng mga pilik-mata, at hulma ng kanyang mga labi. Nilandas pa ng bartender ang paningin sa kinis at mala-morena niyang kutis. Suot niya rin ang plaid shirt at denim shorts na lalong nagpalitaw sa hubog ng kanyang katawan.
"Hoy, narinig mo ba 'ko?" sita ni Roxane sa lalaki.
"Ay, sorry!" Napakurap ang bartender at pagak na ngumiti sa kanya. "Narinig naman kita, miss. Pasensya ka na at bago lang kasi ako rito!"
"Not an excuse. Gawan mo 'ko ng inumin ko. Bilis!" utos pa ni Roxane ngunit lalo siyang naburyo nang pilyong ngumiti ang bartender at tumitig sa mga labi niyang mapupula. Hindi man maipagkakaila ng dalaga ang gwapong mukha ng lalaki, wala siya sa lugar ngayon para humanga o makipagharutan kung kanino. "Ano pa ba'ng hinihintay mo?" apura niya rito.
"Sorry, miss. Hindi ko lang mapigilang mapatitig sa ganda mo. Hindi kasi bagay sa iyo ang sumimangot. Bakit hindi ka muna ngumiti, hmm?"
Napahinga ng malalim si Roxane nang pinigil ang kanyang sariling magwala. Marami pa namang customer ngayon. Hindi pa nag-uumpisa ang tugtugan. Ang nais niya lamang sana muna ay makainom para hupain ang kanyang sarili sa nasaksihang pagtataksil ng kanyang nobyo. Bago lang niya iyon nakita matapos ng kaguluhan sa labas. Ngayon ay ayaw na ayaw niyang makipag-usap sa kahit kanino na may kasariang gaya ng sa nagtaksil sa kanya. Iniisip niyang parehong-pareho lang ang lahat ng mga lalaki sa mundo. Mga manloloko. At itong preskong bartender na nasa harapan niya'y hindi naiiba sa kinasusuklaman niya. Ikukonsidera pa niya sanang trabahante niya ito ngunit sa paraan ng pagsasalita nito ay mas lalong nasagad ang kanyang galit.
"Will you serve me the drink I asked? Just do it!"
Sa huling pagkakataon ay nais niyang bigyan ng tyansa ang lalaki ngunit imbes na sumunod, itinukod pa nito ang mga siko sa counter at nginitian siya. "Pangalan mo muna, miss?"
Okay, that's it!
Hindi na nagsalita pa si Roxane at bastang nagtaas na lang ng kamay para tawagin ang isa pang lalaking bartender sa kalapit na counter. Nakilala agad siya ni Benjamin, ang matipunong barista na matagal nang naninilbihan sa kanyang bar. Kahit may customer pa itong pinagsisilbihan ay mas inuna siyang lapitan nito at sandaling nag-excuse. "Boss Xane, ano'ng problema?"
"Sino sa tingin mo ang nag-hire sa mongrel na 'to, Ben?" tanong ng dalaga sabay turo sa lalaking nasa mismong harapan.
Napamulat naman ng mga mata ang bagitong bartender sa narinig at mapapansin agad sa katayuan nito na maling inakit niya ang masungit na dalaga. Boss Xane kasi ang pangalan ng may-ari ng resto bar na pinapasukan nito. "B-boss? I-ikaw? Akala ko e lalaki ka!"
YOU ARE READING
Strange Attraction: A One-shot Story
RomanceCOMPLETED One-shot Story Matured content [R18+] This is a girl to girl one-shot story and may not be your cup of tea. If you are a close-minded homophobe, just skip this and move on. This story contains matured scenes, profanities and sex. Be m...
