ALYANA’S POV
“wala kang kwentang anak! Napaka walang kwenta mong tao! Sana hindi nalang kita inampon!!! Nasayang lang lahat ng pag hihirap ko sayo!!” pinag sasampal ako ni mama habang sina sabi niya ang lahat ng iyan sa akin.
Di niya matanggap.. no, hindi sa hindi niya matanggap. Kundi ayaw niyang tanggapin!! Ayaw niyang tanggapin na nabuntis ako.
Ang tanga ko naman kasi! I don’t kow what did I do. Lasing ako that time. And.. a-and, ugh!!!! That’s what when it happened. Ang tanga tanga mo naman Alyana!!! Bat mo hinayaang isuko ang bataan sa isang taong hindi mo kilala??
Ughhhhhhhhhhhh!!!!
“lumayas ka dito!!!! Layas!!! At wag na wag ka ng babalik!!! Napaka landi mong tao!!!!!!” nang gagalaiting sabi ni mama.
After that, nag impake na ako at lumayas. Tinawagan ko ang best friend kong si Cherey.
“Che!” pag tawag ko sa pangalan niya habang nag pipigil ng nag babadyang luha.
“Al! w-what’s wrong?? Are you crying? Omyygaaaaad Al what happened?” pag aalala niyang tanong.
“Che! Relax” bahagya akong tumawa pero kasunod nun ang pag buhos ng mga luha ko.
“can I stay at your house for the mean time?” I ask
“yes ofcourse!! Where are you? Papasundo kita kay Alfred” she said then hang up it pag katapos kong sinabi kung saan ako.
I’m so blessed and lucky to have Cherey in my life. Kahit na lagi niya kaming pinag kaka nulo ng kapatid niya. Sabi pa nga niya sa akin bat hindi ko daw bigyan ng chance yung kaptid niya. Kasi nga daw may gusto sakin. HAHAHA si Alfred may gusto sakin? Malabo.
Total naman daw eh may gusto ako sa kapatid niya noon. Oo naman inaamin kong may gusto ako sa kapatid niya noon.
Nang dumating na si Alfred ay agad siyang bumaba at pinag buksan ako ng pintuan para maka pasok sa sasakyan.
“What happened” pag uumpisa niya ng conversation pag ka andar niya ng sasakyan.
Samantalang ako nakatingin lang sa daan.
“hindi mo talaga sasabihin sakin noh?” aniya sabay ngiting pilit. Kahit hindi ako naka tingin sakanya, nakita ko naman iyon sa gilid ng aking mata.
Tanging pag buntong hininga lang ang aking nagawa. Wala akong lakas ng loob para ikwento sa isang lalaki ang pinag dadaanan ko ngayon. Lalo na sa ex ko, yah mag ex kami ni Alfred. Hindi yun alam ni Cherey. Ay nako baka kapag nalaman niya yun, gagawin niya ang lahat para lang mag ka balikan kami ng kapatid niya. Pero hindi na mangyayari yun dahil mag kaka baby na ako.
At hindi ko kilala ang ama ng anak ko. Itsura niya lang ang alam ko pero wala akong alam na information about sakanya.
BẠN ĐANG ĐỌC
Suddenly I'm In Love With A Stranger
Lãng mạnPaano kung ma inlove ka sa taong hindi mo kilala, and worst may nangyari sainyo? is it a mistake or is it a gift?
