Chapter 2. Ang Babae sa Salamin

10.8K 409 29
                                    

             Maaga pa lang ay nasa eskwelahan na si Joshua. Alas otso pa ang unang subject niya pero kailangan niyang pumasok ng maaga. Gusto niyang hanapin ang babaeng nakita niya sa salamin na matalim na nakatitig sa kanya ngunit biglang naglaho ng pinuntahan niya. Nangyari ito bago pa sila pumunta ni Angelo sa Barangay San Gabriel. Ang hindi maalis sa isip niya ay ang paraan ng pagkakatitig sa kanya ng babae na parang galit at may iniisip na masama laban sa kanya. Hindi niya rin maintindihan ay kung paano itong naglahong parang bula ng lapitan nila ito at hindi rin ito nakita nung mga estudyante na nandun mismo sa tabi lang ng puno kung saan nakita niya ang babae.

" Hoy tabi! " 

Nagulat si Joshua sa humagibis na bisikleta sa kanyang harapan. Bumuwelta ito at huminto sa kanyang harap sakay si Angelo.

" Tulala ka na naman, bro. Lagalag na naman ang isip mo." nakangiting sabi nito sa kanya.

" Samahan mo ko, may pupuntahan tayo." sagot ni Joshua

" Ang aga namang gala niyan.  Sa'n tayo pupunta? " tanong ni Angelo.

" Dun sa may malaking puno sa school park." sagot naman ni Joshua.

Habang papunta sa school park ay ikinuwento ni Joshua ang tungkol sa babae na nakita niya. Mayamaya lang ay nasa harapan na sila ng punong sinasabi ni Joshua.

" Medyo malabo yung sitwasyon mo pre. Paano mo hahanapin yung sinasabi mong invisible girl e invisible nga. Hindi kaya sa isip mo lang yun?." tanong ni Angelo.

" Sure ako nakita ko talaga siya. Ang hindi ko lang maintindihan ay paanong hindi siya nakita nung mga barkada ni Leslie na halos katabi lang niya dito sa puno." sagot ni Joshua.

" Yun nga ang malabo sa kuwento mo pre. Yung mga katabi dito sa puno, hindi siya nakita. Ikaw na nakasilip lang sa kapurot na salamin, nakita mo. Hindi kaya yung dumi lang sa salamin yun, napagkamalan mong babae." sabi naman ni Angelo.

" Sigurado ako na babae talaga nakita ko." sagot naman ni Joshua. ' Natatandaan ko pa nga ang itsura niya hanggang ngayon. Makikilala ko siya pag nagkita kami uli. "

" Ganun naman pala. May mukha pala si Invisible Girl e. Ang problema lang, paano mo siya makikita e invisible nga." sagot naman ni Angelo. 

" Nararamdaman ko magkikita uli kami. " sagot ni Joshua. " Ang isa pang iniisip ko, nung nakita ko siya ay nakasuot siya ng school uniform kaya alam kong nag-aaral siya dito sa school natin."

" Student din si invisible girl? Malamang top one yun. Pwede siyang mangopya ng sagot ng hindi nakikita o kaya mangopya ng test papers habang ginagawa pa lang  Alam mo pre, habang tumatagal, palabo ng palabo ang kuwento mo. Kung kanina blurred lang, ngayon putik-putik na." reklamo ni Angelo.

" Maniwala ka na lang. Kapag nakita ko si Invisible Girl dito sa school natin, ikaw ang una kong pagsasabihan." sagot ni Joshua.

" Alangan namang sabihin mo sa iba, wala naman maniniwala sa yo." sagot ni Angelo. " kung sabagay, kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari sa atin sa baryo namin."

" Oo nga pala. Kumusta na pala sa San Gabriel, tahimik na ba?'" tanong ni Joshua. " Kumusta na pala Kuya mo at ang Ate Gellie mo?

" Tahimik na daw sa amin sabi ni Nanay," sagot ni Angelo. " Wala ng aswang e. Yung iba ngang namatayan, ipinahukay uli para tingnan. Wala nga ang mga bangkay sa loob ng kabaong. Mga tuyong puno lang ng saging ang nakita. Pinapabalik pala tayo dun sa piyesta namin, bibigyan tayo 'ata ng parangal. "

" Mabuti naman pala, at least nakatulong tayo habang nagbabakasyon. Wala na daw biglang nawawala o namamatay sa inyo? " tanong uli ni Joshua.

" Biglaang namatay, wala na. Yung nawawala, meron. Natatandaan mo si Andot? " 

Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II)Where stories live. Discover now