Ikalawa

70 10 0
                                    

-Prinsipe Xander-

Nang magkuwento si Prinsesa Alyanna tungkol sa kanya, kung bakit siya nandito ay nainis ako sa pumalit sa kanyang ama. Ang sabi kasi nya, ang pumalit sa kanyang ama ay ang kapatid ng kanyang ama... na sakim daw sa karangyaan.

Masayang kausap si Alyanna. Ang sabi nya kasi ay tawagin ko sya sa pangalan nya at alisin ang 'prinsesa' dahil masyado daw itong pormal. Ang totoo, ibang- iba sya kay Prinsesa Thea. Sa madaling salita, kabaligtaran ito ni Prinsesa Thea. Mapapangasawa ko siya dahil hindi ako nakahanap ng magiging asawa ko kaya napilitan akong pumayag na magpakasal sa kanya.

"Gabi na pala." malumanay na sabi nya sabay buntong hininga. Tumayo ako at inalalayan sya. "Saan ba ako matutulog? Ayos na sa akin ang maliit na kuwarto." malumanay na sabi nya sabay ngiti.

"Samahan na kita sa kuwarto mo." pagpiprisenta ko sa kanya.

Tumawa siya na mahina atsaka tumango. Kahit ang pagtawa nya, ang sarap pakinggan sa pandinig ko. "Sige. Hindi ko rin naman ang pasikot- sikot dito sa palasyo." sabi niya sabay tawa na parang nahihiya.

"Tara?" sabi ko sabay lahad ng kamay ko. Biglang namula ang pisngi nya na parang rosas. Tinanggap naman nya ito at naglakad kami papunta sa silid na pansamantalang tutuluyan nya.

~~~~~~~~~~

"Salamat sa paghahatid sa akin dito. At salamat rin sa pagtulong sa akin. Tananawin ko ito bilang isang malaking utang na loob." nakangiting sabi niya. Nag- init naman bigla ang pisngi ko. Tumango ako at sinabing magpahinga na.

Papunta na sana ako ng kuwarto para magpahinga pero nakita ko ang aking kapatid, si Prinsipe Joshua.

"Prinsipe Joshua, hindi ka pa ba magpapahinga. Madilim at gabi na rin." saad ko sakanya.

"Mauna ka na, kapatid. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok." sabi niya. "Magpapahangin lang ako sa labas." sabi niya atsaka lumabas.

Lumakad na ako papunta sa aking silid. Binuksan ko ang pinto at nakita kong naghihintay siya dahil nakaupo sya sa upuan malapit sa aking kama.

"Anong ginagawa mo dito, Prinsesa Thea?" tanong ko sakanya. Tumayo siya at seryosong tumingin sa akin.

"Gusto mo ba siya?" seryosong saad nya.

"Hindi. Hindi na lalalim yun at hindi kailanman." seryosong saad ko sakanya kahit ang totoo, kahit sa unang pagkikita namin ay naramdaman ko na... gusto ko siya.

Mukha namang naniwala siya sa sinabi ko dahil biglang umaliwalas ang mukha nya at ngumiti. "Umalis ka na." seryosong sabi ko.

Ngumiti naman siya sa akin at sinabing.. "Pinapapunta ka pala ng hari bukas na umaga." sabi niya sa akin sabay labas.

Hindi naman ako pinapatawag ni Ama kung hindi importante ang kanyang sasabihin o iuutos. Humiga na ako sa aking kama, habang iniisip pa rin kung anong iniisip ni ama at kung anong sasabihin niya sa akin.

Nabigla ako nung bigla kong maisip si Alyanna. Napangiti naman ako nung maisip ko kung paano sya ngumiti, mahiya, at mamula.

Hindi ko namalayan na naglalakad na ako papunta sa kanyang silid. Binuksan ko ang pinto at nakita kong mahimbing at maamo siyang nakapikit na natutulog. Napangiti na naman ako habang pinagmamasdan siya. Nung malapit na akong dalawin ng antok ay pumunta na ako sa aking silid at mahimbing na natulog.

My DreamKde žijí příběhy. Začni objevovat