...
*yawn* "Aray!! Aray! Ah! Hayst." pagdaing ko habang hawak ko ang ulo ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga, nang hindi ko pa man masyadong minumulat ang aking mga mata. Napakasakit talaga ng ulo ko, hindi ko mawari kung ano ang dahilan ng pagkasakit nito.
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Sa pag mulat ko, unti unti akong nakakaaninag ng napakaliwanag na ilaw. Hindi ko maintindihan, ngunit sa unti unti kong pagbukas ng aking mga mata, unti unti ring nagiging blangko ang aking isipan. Parang bang wala na itong kalaman laman, baka nga hangin na lang. Pakiramdam ko'y bagong silang lamang ako, walang anumang kahit isang bakas o isang bahid man lang ng alaala. Kahit isang galos man lang ng alaala sa aking isipan ay wala itong kalaman laman. Nakakapagtaka, hindi ko maintindihan ang mga nagaganap sa paligid ko at sa mismong sarili ko.
Unti unti kong binubukas ang aking mga mata. Wala akong makita kundi liwanag, napakasilaw na liwanag. Nang tuluyan kung namulat ang aking mga mata, ang tumambad saakin ay isang malaking bintana. May kurtina ito sa gilid nito. Nilibot ko ang paningin ko, nasa kama ako ngayon at nakaupo ngunit hindi ko mawari kung saang lugar ito. Nasa isang kwarto ako, oo alam ko iyon. Ngunit napakarami pa rin gumugulo sa aking isipan. Nilibot ko rin ang paningin ko sa sarili ko, nagsimula ako sa aking mga kamay. Habang pinagmamasdan ko ang aking mga kamay, hindi ko maintindihan kung bakit hindi pamilyar ang katawan ko. Hindi ko mawari kung ako ba talaga ito. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari.
'Nasaan ako? Kwarto ko ba ito? Bakit wala akong maalala?' iyan ang mga ilang katanungan sa aking isipan. Bumaba ako sa higaan at nakakita ako ng mahabang salamin. Lumapit ako roon hanggang sa nakita ko kung ano ako. Tiningnan ko ang buong sarili ko sa salamin, mula ulo hanggang paa. Blangko pa rin ang isipan ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinawakan ko ang pisngi ko at iniisip ko ako ba talaga ang nakikita ko sa harap ng salamin. Inaalala ko ang lahat at kung sa laro, tila ba nagsisimula ako sa pinaka una. Level 1, kung saan malalaman mo pa lang ang lahat ng naroroon. Habang pinagmamasdan pa rin ang aking sarili sa salamin, bigla na lamang akong naluha ng walang dahilan. Nang akmang pupunasan ko na ang luha na tumulo sa aking mukha, may biglang tunog akong narinig. Halatang may papasok sa kwarto. Nang pagkabukas ng pintuan, nakita ko ang isang babae. Siguro nasa mga 50 ang edad. Lumapit sya saakin, hindi ko alam kung bakit hindi ako humakbang palayo ng lumapit siya saakin. Napatulala lamang ako at nanatili sa akong kinatatayuan. Parang bang may pumipigil saakin na lumayo sa babaeng iyon. Pakiramdam ko'y matagal ko na syang nakita, at may lukso ng dugo kubg tawagin nga nila. Napakagaan na agad ng pakiramdam ko sa kanya, nang makita ko siya. Nang magkaharapan na kami, napangiti ang matandang babae, hindi ko maintindihan kung bakit. Nais ko rin sana siyang tanungin sa mga nangyayari ngunit bago pa man ako magsalita ay nauna na siya.
"Anak, handa ka na bang ipaalala sa iyo ang lahat. Handa ka na bang magsimula muli?" tanong nito saakin. 'Sandali nga lang, anong ibig niyabg sabihin. Ipaalala ang lahat? Ano ba talagang nangyayari?' Habang ginugulo ako ng aking isipan, nabaling muli ang atensyon ko sa babae. Kitang kita ko ang mga mata niyang kumikinang. Akmang luluha na ito ngunit nagpipigil lamang. Muli akong tumingin sa salamin.
'Sino ba...
talaga ako...?'
E N D
o f
P R O L O G U E
YOU ARE READING
I Forgot You
RomanceMayroong isang babae na mayroong di maunawaang karamdaman. Sa bawat paggising niya mula sa pagkatulog, nawawala ang mga alaala niya. Hindi nawawala ang mga alaala niya sa pagkilos, ngunit nakakalimot naman siya sa mga nangyari sakanya, bago siya mak...
