"Ah ganun ba? Ah sige! Mas mabuti pang pumunta na tayo sa DUEL COURT, baka kasi malate pa tayo" sabi ko. Nagsimula na akong maglakad mga 5 steps, pero tumigil ako ulit nung tinawag nya ako.

"Oi Girl! May dugo o!" Tumingin agad ako sa likod ng shorts ko.

"Hah? Ano? Meron ako?" tanong ko.

"Hindii! Yung binti mo o may dugo" sabi nya sabay turo sa kaliwang binti ko.

        Tumingin ako sa binti ko. My ghad! Bakit dumudugo? Nadamay tuloy yung stockings ko. Naku panu to.

"Siguro nagkasugat ka nung nabangga kita" sabi nya.

"Siguro nga . . . Di bale , keri ko to!" sagot ko sabay ngiti.

"Okay lang yan!  . . wait lang a may tatawagan lang ako" sabi nya sabay kuha nung cellphone nya sa bulsa nya .  . . .  ay!? hindi pala cellphone! ano to? may parang kinuha syang kung ano dun sa bulsa nya tapos hinipan nya yung kamay nya, tapos ayun! May lumabas na screen. Wow grabee! Ang braiiny nyaaa!

"Wow . . ano yan?" tanong ko.

"Ahh , eto? eto yung mobile ko. Invention ko rin to, eto ang "Airy Mobile" ko. Teka lang a, may tatawagan lang ako"

"Ahh sige sige!"

        Tapos ayun, may tinawagan sya dun sa cellphone nyang nakalatag sa ere. Grabe parang computer na lumulutang. Ano ba yan! malalate na ako nito e.

"Ahh ganun ba? Sige pupunta na lang kami jan" sabi nya tapos tiniklop na nya yung Airy Mobile nya tapos nilagay nya ulit sa bulsa nya. WOW , as in W-O-W.

"Tara na! nandun na pala si Miku sa DUEL COURT" sabi nya.

"Hah? Sinong Miku?" tanong ko sa kanya.

"Ahh . .friend ko, freshman din sya dito, dun kita ipapagamot. May Healing Power kasi yun e" sabi nya.

"Ahh ganun ba? sige sige!, medyo masakit na kasi tong binti ko e!"

"O ano? tara na? . . . Uhmm. by the way, Ano nga pala pangalan mo?" tanong nya sa akin habang may parang ginagalaw dun sa broom stick nya.

"Ahh, ako nga pala si Asuna,  . . Asuna Yuuki" sagot ko.

"Ahh! Nice meeting you Asuna , ako nga pala si Kagamine Rin, but you can call me Rin. O tara? punta na tayo sa duel court?"

"Sige tara" sabi ko. Tapos nagsimula na akong lumakad.

"Hep! hep! Saan ka pupunta?" tanong nya. Lumingon ako ulit sa kanya.

"Sa . . duel court, bakit?"

"Ano ka ba! Mas malalate ka nyan e! Sumakay ka na lang dito!" sabi nya.

"Ahh, naku! Wag na! Keri ko to!"

"Nakuu! Sige na" tapos lumapit sya sa akin tapos hinila nya ako patungo dun sa broom stick nya.

"Okay fine! sasakay na ako!" sabi tapos umangkas na ako dun sa walis. "Safe ba to?" tanong ko.

"Ano ka ba! Akong bahala sayo, basta kumapit ka lang sa akin" sabi nya. "Okay, 1. . 2. . 3. . go!"

        Then, lumipad na yung walis. Jusko Lord! Tulong! Ang bilis ng takbo.

"Asu--asunaa, ti--tiingnaan mo yu-ng- -  iba-ba- --" sigaw nya pero hindi ko marinig dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong sa amin sa himpapawid.

"A--noo? Hindii kitaaaa mariniiiig!" sigaw ko.

        Hindi na sya nagsalita pa, pero tinuro nya lang yung daliri nya sa ibaba. Tapos, na-gets ko na yung ibig nyang sabihin. Tumingin ako sa ibaba ang .  . . . . OMYGHAAD! WOW!. Makikita mo sa ibaba yung mga puno na may PINK, YELLOW, ORANGE, SKY BLUE at iba pang kulay na dahon. May mga pixie na nagdidilig dito. Tapos sa bandang kaliwa, may mga taong may dalang mataas na stick na tila nag prapractice, may nagtatapon ng apoy, meron ding tubig at may parang nagkokontrol ng kidlat sa mga kamay nya. Pagkatapos sa may bandang kanan naman, may mga babaeng may puting pakpak, na tila nagprapractice sa pag-lipad. Wow! My dream school! I can feel it here! Nandito ang future ko! Malayo layo rin pala yung DUEL COURT no? mga ilang minuto, onti-onting nag-landing yung walis ni Rin, hahaha! Kung makapanglait ako wagas, buti pa nga sya may sasakyan, e ako? Espada lang meron. Hahahaa.

The Fivebulous (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon