FIREFLIES AT TWILIGHT (BL)

643 32 2
                                    

FIREFLIES AT TWILIGHT
written by Brictorique.

DISCLAIMER:
Ano mang pangyayari, bagay, o pangalan na nakasaad sa kwentong ito ay pawang imahinasyon lamang at hindi kinuha sa totoong istorya ng buhay kaya ano pa man ang pagkakahawig na inyong mababasa ay hindi sadya dahil hindi lang naman ikaw ang nagiisang manunulat na may weirdong pagiisip. Maraming salamat.

------------------------------------------------------

Twenty-three years old na ako pero heto ako at mukhang batang walang muwang pa rin na hindi alam ang gustong gawin sa buhay. Graduate ako sa kursong IT at nakapag trabaho na sa isang call center bilang RTA sa luob ng dalawa't kalahating taon pero nag resign ako dahil hindi na ako nageenjoy sa trabaho ko. Stress kaya.

Bago magkalikutan, ako muna'y magpapakilala sa inyo. Ako si Crael Santi. Ang androgynous beauty ng siyudad! Meaning, lalaki by birth pero may gandang pang isang dalagang pilipina yeah! Hahaha. O'sya tama na ang pabida ko sa aking sarili at ng akin ng mai-kwento sa inyo ang aking kabataan na 'kay sarap balikan.

Ang totoo n'yan, laking siyudad talaga ako pero ika nga nila, minsan sa buhay ng tao ay naging pasaway na bata tayo kaya na-experience ko na ipatapon (char!) ng aking parents sa malayong lugar na kung tawagin ay probinsya kung saan nakatira ang aking Lola na si Teresita or 'La Sita for short na may katunog na brand ng pagkain na itago nalang natin sa pangalang toasted bread, char!

Kung di pa purol ang aking memory ay seven or eight lang ako that time ng mapunta ako kay 'La Sita para duon bunuin ang aking summer. Syempre dahil bata pa ako nu'n at di pamilyar sa lugar ay nagnga-ngangawa ang aking beauty dahil syempre bukod sa walang kahit anong toys na pwedeng malaro duon ay layu-layo pa ang mga bahay kaya feeling isolated ka. Idagdag mo pa yung bahay na tinutuluyan ni Lola na bukod sa napaka simple ay di uso ang aircon or electric fan at pati na rin ilaw. Imagine, lampara ang source of light ha? Kaya nga pag sumasapit ang gabi ay ganun nalang ang takot ko kasi paano nalang kung may lumabas na ghost or monsters di ba?

Pero sa una lang iyon dahil duon ko pala mae-experience ang pinaka masayang moment sa buhay ko na hanggang sa mamatay ako ay dadalhin ko at magiging dahilan ng aking pag ngiti hanggang sa aking huling sandali sa mundong ibabaw.

Tanda ko, isang linggo na ang nakalipas sa paglagi ko sa bahay ni Lola ng isang gabi habang patuloy ako sa pag ikot sa aking higaang gawa sa kawayan at sa manipis na kumot na nagsisilbing panangga ko sa lamig ay nakarinig ako ng mga batang kasing edad ko na naghahagikhikan sa labas ng kubo.

Kumunot ang nuo ko dahil di man ako sigurado ay alam kong kalaliman na ng gabi kaya nakapagtatakang may mga batang naglalaro sa labas. Napatingin ako sa gawi ni Lola na nakahiga sa mahabang upuan na gawa sa kahoy kung saan siya natutulog na di man lang natinag sa ingay. Alam ninyo kasi kahit matanda na si Lola ay nakapagtatakang malakas ang pandinig niya.

Matagal-tagal ko ring narinig ang nagtatawanang boses hanggang sa di ko na napigilan ang kuryosidad ko at tumungo ako sa sala at dahan-dahang inalis ang tabing para silipin ang mga bata sa labas at sa takot at pagtataka ko ay nagtatakbo akong bumalik sa higaan kung saan, sa wakas ay nagising si Lola.

"Iho, ano bang ginagawa mo? Aba'y gabi na ah. Bakit gising ka pa?" mahinahong tanong niya at umupo sa tabi ko.

"A-ah. ." nanuyo ang lalamunan ko sa di malamang dahilan. Parang may pumipigil sa akin na magsalita.

"O' sya, sige. Matulog ka na." humiga na ako at yumakap sa bewang ni Lola habang pinakikinggan ang kanyang paghele sa akin.

Ramdam ko na ang antok ko ng maramdaman ko ang pagtayo ni Lola sa higaan at nakita ko siyang pumunta sa sala at ini-angat ang bintana. Nagtaka ako ng makita ko siyang nakangiti at nagsabing, "Bilog na naman pala ang buwan." na hindi ko naintindihan kung bakit niya iyon sinabi. Agad kong pinikit ang mata ko ng makita ko siyang palingon sa akin at buti nalang ay tuluyan na akong nakatulog.

FIREFLIES AT TWILIGHT                 (BL•ONE-SHOT)Where stories live. Discover now