Hi isang salita
Isang panting
Dalawang letra
Ngunit punong-puno ng kahulugan
Punong-puno ng ala-ala
Tanda mo paba?
Nung una tayong magkita?
Nung una tayong magkakilala?
Yung araw kung saan
Nagsimula itong lahat
Yung araw
Na lakas loob mong binigkas
Na hi
Kahit kabado
At punong-puno ng pangamba
Lakas loob mong binigkas
Takot na baka hindi niya pansinin
Takot na baka ayaw niya saakin
Pero to na tayo ngayon
Parang nasa malaking pamilya tayo
May maingay,magulo, at may mabait
Iba iba man tayo
Pero pinag sama-sama
Para makabuo ng isang pamilya
Isang salita
Isang panting
Dalawang letra
Ito ang bumuo
Sa bawat pag-kakaibigan
Na meron tayo ngayon
Ang bilis
Ang bilis-bilis ng araw
Yung dating
Sinabihan mo lang ng hi
Ngayon iyan
Katabi at kaibigan mo na siya
Yung kasama mo
Sa walang hanggang kwentuhan
Ka chat
Sa mga walang kwentang bagay
Ka kopyahan
Kahit parehas kayong walang alam
Yung iba nga dyan
Nakahanap na ng crush
Yung iba naman pumapag ibig na
Na akala mo may forever talaga
May iba naman na
Broken na
At yung iba na wala pa din pake
Yung mga gropings
Na drawing
Yung mga project
Na pagandahan at payabangan
At mawawala pa ba ang asaran
Na walang katapusan
Ngunit pagkatapos ng lahat ng ito
Ang masasabi nalang ay
"NAKAKAMISS"
Tapos eto na tayo ngayon
Unti-unting tinatanggap
Na hindi na tayo bumabata
Na bukas ay hindi na tayo ganito
Yung iba makakalimot na
Yung iba snober na
Minasan nga seen nalang
At meron naman na ganon pa din
Isang malaking "SANA"
Sana walang mag bago
Sana wag natin kalimutan
Kung saan tayo nagsimula
Sa isang salita
Isang panting
Dalawang letra
