Love Shot
Story of Leo and Mariel
"Mariel, look at your boy, he's taking Lily out."
Marahas akong napatingin sa tinutukoy ng kaibigan ko. Naningkit ang mga singkit kong mata nang makumpirma ko nga ang narinig. I clenched my teeth and walk vigorously towards them.
"How dare you take that slut and let her ride in my car!" sigaw ko nang makalapit sa kanila.
Natigil si Lily sa paghakbang papasok sa kotse samantalang nagulat naman si Leo.
"Stay away from my car. I don't want you to share your germs on it," mataray kong dagdag.
Inirapan ako ni Lily at padabog na naglakad palayo. Halata sa paglakad niya na gusto niyang sundan siya ni Leo, at ang talipandas ay may balak nga na sundan siya.
"Leo, bring me home," utos ko sa kanya.
"Sandali," malamig niyang tugon at naiinis na tumingin sa'kin.
Tumakbo siya para habulin si Lily at kinausap ito.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa inakto niya.
Leo is my bodyguard. Matanda siya sa'kin ng tatlong taon, 3rd year college na ako samantalang siya ay graduating na. Iniligtas niya ako minsan sa isang ambush na naganap noong kalagitnaan ng pangangampanya ng Papa ko. My father hired him as my bodyguard. He also gave Leo a scholarship. Pumapasok kami sa iisang paaralan, umuuwi sa iisang bahay. Leo is my bodyguard, driver, and a friend-- before. Close kami noon, as in super close na halos mapagkakamalan mong magkasintahan kami. But everything has changed since he met Lily.
Nagseselos ako sa atensyon na ibinigay ni Leo kay Lily. Oo, may gusto ako kay Leo. It's not just a puppy love or infatuation; I admire and love him. Pero sa kasamaang palad, kapatid ang turing niya sa'kin. Mas lalong lumala ang paglayo ng loob niya sa'kin noong ipakita ko ang pagkadisgusto ko kay Lily. Mula sa turing na kapatid ay naging amo na lang. And I hate it!
"Tara na." Naunang sumakay si Leo sa kotse. Ni hindi man lang ako pinagbuksan katulad ni Lily kanina. "Sumakay ka na, Mariel. Gusto mo nang umuwi, hindi ba?"
Napatingin ako sa mga kaibigan ko at ngumiti ng malungkot. Ngumiti sila at tumango.
"It's okay," they mouthed.
Nag-wave ako sa kanila at sumakay sa kotse, sa passenger seat. Walang kibong pinaandar ni Leo ang sasakyan.
Tahimik ang buong biyahe namin pauwi. Ilang buwan na kaming ganito, dapat sanay na ako. Pero hindi, nami-miss ko na ang dating masayang biyahe naming dalawa. Lagi kaming nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nag-aasaran.
Wala pa rin siyang kibo nang makarating kami sa mansion. Pinatay niya ang sasakyan at lumabas na. Deretso siya papasok sa bahay at iniwan ako.
