Sinamaan ng tingin ni Lady si Cess at hinila ang buhok nito, "tangina mo Cess walang agawan ng asawa." naiinis na sabi ni Lady.

Tinarayan naman sya ni Cess at bumalik na sa pag aayos ng portfolio sa Tle.

Si Lorie naman ay nag seselfie at nag sun kissed pa, adik sa araw talaga.

Si Lady naman ay nagsusulat ng mga kulang nya sa Math, habang ako nag seselpon at pa wattpad wattpad lang.

Wala kaming ginagawa ngayon kundi ayusin ang mga requirements namin kada subject, tapos na kasi ang Exam namin at bukas magsisimula na kaming mag practice ng Moving Up.

"Makahiyaa! tahimik may mag aannounce." sigaw sa amin ng class president, kaya tumahimik naman kaming lahat.

Tumingin ako sa pintuan at nakita ko ang ultimate crush ko.

Habang nag sasalita si crush pinagkukurot ko sa tabi ko si Cess, sya naman ay ngumingiwi dahil sa sakit ng kurot ko.

Pagkatapos nyang mag announce ay nagpaalam na sya at umalis, pag kalabas nila ako naman ang nangingisay sa sobrang kilig. Shit! nakita ko nanaman si crush men! ang gwapo talaga kyaaah!

"easy via, baka matuluyan ka jan haha." natatawang sabi saakin ni Lorie.

Inayos ko naman ang sarili ko pagkatapos kong kiligin.

"malapit mo ng hindi makita si crush mo via." asar saakin ni Cess.

"oo nga, kawawa ka naman hanggang ngayon dika parin napapansin ng crush mo aww." asar naman ni Lorie.

"kawawang bata dipa nya friend sa fb samantalang kami friend namin sa fb aww sad." kunyari nalulungkot na sabi saakin ni Lady.

Pinakita ko sa kanila ang middle finger ko at pinagmumura ko sila ng malutong, natawa na lang sila at bumalik ulit sa ginagawa nila.

Kaasar, ilang taon na yung friend request ko sa kanya pero hanggang ngayon dipa rin nya ko inaccept nabubulok na ako sa fr nya.

Ang crush ko lang naman ay si Ian Boleras, crush kona sya since gr 4 pa ako, ang gwapo nya kasi, ang tangkad, player ng volleyball at basketball, matalino, moreno, matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata, magaling sumayaw at magaling din kumanta! nasa kanya na lahat ng gusto ko sa isang lalake, at ang higit sa lahat magka edad lang kami, parehas kaming 16 years old. Syaka ayoko yung mga mas matanda saakin ng ilang taon, gusto ko yung ka edad ko lang talaga. Ayoko gumaya kanila mama at ate.

Si mama kasi ay 7 taon ang agwat nila ni papa, ng panahon na pinagbubuntis ako ni mama namatay si papa dahil sa aksidente. Ang papa namin ngayon ay stepfather namin nila ate, yung dalawa kong kapatid na si dodong at ingkit ay kapatid ko lang sila sa ina.

Si ate 5 taon ang agwat sa asawa nya, bali mas matanda si ate kesa sa asawa nya. Kaso nung mga panahong nagbubuntis si ate sa panganay nila ay iniwan sya ng asawa nya, pinagpalit sya sa mas bata sa kanya. Kaya simula nun ayoko na sa mga mas matatanda sa akin at mas bata sa akin.

Nang mag bell ay nag ayos na kami ng sarili at mga gamit, lumabas na kaming apat at bumaba.

"minsan naiisip kong pindutin yung fire alarm." sabi ko kay Lady.

Tumawa naman sya sa sinabi ko, "gago sige gawin mo yan ng dika makapag moving up haha." natawa na lang din ako at binuksan ang payong pagkalabas namin ng school.

Ang init kasi, ang sakit sa balat ng araw. Magkahati kami ni Lady sa isang payong at ganun din sila Lorie.

naghiwalay hiwalay rin kaming apat, naisipan kong bumili ng fishball mg may nadaanan akong turo turo.

"kuya sampung pisong fishball nga po." sabi ko sa tindero at inabot ang bayad.

Kumuha naman ako ng baso at stick pagkatapos ay kumuha ng mga fishball, piso dalawa kasi kaya bali 20 na fishball ang kukunin ko.

"kuya sampu pisong kikiam po." napatigil ako sa pagkuha mg mga fishball ng marinig ko yung nagsalita.

Tangina alam kong boses ni Ian yun, nanginginig na nagpatuloy ako sa pagkuha at napapalunok na lang.

Maya maya pay may tao sa harapan ko at kumukuha ng kikiam, inangat ko ang ulo ko at nakita ko syang seryosong kumukuha ng kikiam.

Napatulala ako ng ilang saglit sa mukha nya, tiningnan ko ang pagkuha nya ng kikiam.

"baka matunaw yung kikiam."

"h-ha?." nauutal na sabi ko at tumingin sa kanya.

Nakatingin narin sya sa akin pakshet. "sabi ko ang cute mo." sabi nya at ngumiti saakin bago umalis.

Napatulala ako dahil sa gulat sa sinabi nya, t-tangina c-cute daw ako?!

"neng ayos ka lang ba diyan?." narinig kong sabi ni manong, parang natauhan naman ako kaya tumango lang kay manong at naglakad na pauwi sa bahay.

Habang papunta sa bahay ay paulit ulit sa isip ko ang sinabi nya saakin.

"sabi ko ang cute mo"

"sabi ko ang cute mo"

"sabi ko ang cute mo"

Tangina pre, ngayon lang! ngayon nya lang ako kinausap at nginitian.

Nang makarating sa tapat ng gate namin ay naamoy ko ka agad ang luto ni mama, binuksan ko ang gate at lumapit kay mama na nagluluto mg ulam.

Nagmano ako kay mama at pumasok sa loob ng bahay, bali ang kusina namin ay nasa labas.

Pumasok agad ako sa kwarto ko, binaba ang bag at nagbihis ng pangbahay, wala yung dalawa kong kapatid na kanila klebs siguro yun panigurado.

Nang maalala ko nanaman ang nangyari kanina ay nag tatalon talon ako sa kama at nag titili.

Simula nung naging crush ko sya yun ang kauna unahang kinausap nya ako! hindi lang kinausap nginitian paaa! tangina diko talaga kakalimutan itong araw nato.

Nang mapagod sa kakatalon ay humiga ako at naghabol ng hininga, ng maayos na ang paghinga ko ay, ngumiti ako sa kisame na para bang si Ian yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Age Is MatterWhere stories live. Discover now