PROLOGUE

2 0 0
                                        


Isang Simpleng babae na tanging Batangeñong Binibini.



Isang babaeng English at Tagalog minsan ay balbal pa ang pananalita.Isang babaeng Mass Communication ang tinatahak.

Isang babaeng purong Filipino ang Nasyonalismo na nag nanais ding makatungtong ng ibang  bansa at sa pagdating ng isang 'ALIEN' sa kanyang mundo ay mas naiinganyo siyang magtungo sa sariling mundo nito.



Isang babaeng magpipilit maging isang guro sa 'ALIEN' upang maturuan ito ng kanyang lengwahe.


Isang babaeng natatakot umibig muli sa dahilang siya'y isang iwanan at sa pag iisip na siya'y madaling ipagpalit.Ngunit manunumbalik ang tamis ng agos ng kuryente sa kanyang katauhan at matututo na muling magmahal hatid ng isang 'ALIEN'na kanyang nakasalamuha sa maikling panahon lamang.



Isang babaeng walang alam kung sino ang 'ALIEN' na ito ngunit tutulungan niya pa rin para sa kapakanan nito.


Ngunit sa pagkaligaw ng 'ALIEN'na ito sa mundo niya,paano niya ito ibabalik sa sarili nitong mundo?Hahayaan niya na lamang ba ito na manatili sa tabi niya at wag ng ibalik pa kung saan ito nagmula?Pipigilan na lamang ba nito ang kasiyahan ng 'ALIEN' at ipananaig ang sarili niyang kaligayahan?Pipigilan niya na lamang ba ang kaniyang nararamdaman sa ALIEN sa dahilang maaari din siya nitong iwan?




Ano nga ba ang kanyang gagawin  para sa ALIEN na ito?

CHASING AN IDOLWhere stories live. Discover now