Sobrang lamig ng panahon pero hindi ko masyado napansin yun dahil masyado akong malapit kay Lucas. Isasakay niya ko sa motor. "Motor" Pinatong niya sakin ang jacket niya at isinuot sakin ang helmet. Hindi ko alam kung bat hindi ako makagalaw. Kung dahil ba sa natatakot akong sumakay sa motor niya o sa kilos ni Lucas sakin.
"Kumapit ka lang, Wag kang bibitaw. Ituro mo lang sakin kung saan." Ang huling sabi niya bago niya pinaandar ang kanyang motor.
Napakapit nalang ako sakanya dahil pakiramdam ko malalaglag ako pero mga ilang minuto lang, nakarating narin kami bahay. Bumaba ako at inabot sakanya ang helmet. Ngumiti siya.
"Salamat." Yun lang ang nasabi ko. Ngumiti siya ulit at sinabing "Sige. Sayo na muna yan. Mukhang naging kumportable ka. Bye Pia." at pinaharurot niya na ulit ang motor.
Hindi ko naintindhan yung mga sinabi niya. Naalala ko nalang na suot ko parin pala ang jacket niya. Hindi ko namalayan. Naging kumportable ka siguro ako msyado. Msyado kasing malamig kaya ayoko sigurong hubarin. o baka kumportable nga ako sakanya. Ano ba tong sinasabi ko. Tulog lang siguro to.
Nakadaan na ang ilang linggo. Madalas kaming lumalabas ni Lucas. Hindi dahil sa date. Kundi dahil nga sa mga kailangan tapusin sa group work. Madalas niya narin akong hinahatid sa bahay. Tumatanggi ako kaso may kakulitan siya kaya hinahayaan ko narin. Naibalik ko narin ang jacket niya. Sa totoo lang, nung una ayoko nang ibalik. Kasing bango niya yung jacket niya.
"Piaaa. Piaa inlove! pansinin mo naman ako. Puro ka nalang Lucas kinalimutan mo nako." Sigaw nito saking tenga.
"Jenny! Wag ka ngang maingay. Marining ka nang iba, sabihin nila totoo yan. Tsaka pwede ba. Hindi ako inlove. Hindi ako maiinlove. Gets?" Patapos kong sinabi sakanya pero hindi siya kumbinsado sa sinabi ko.
"Let's see Pia Love" Asar niyang sinabi sakin. "ngapala. May program ang college natin ah nextweek. May outing for 1 week! Sumama ka ha. Baka iwan mo nanaman ako last year na natin to"
" Jenny alam mo namang hindi mahilig sa ganyan"
"Pia. Hindi nako tatanggap ng hindi sayo. Hindi ngayon. Sige na pleaase." Paawa niyang sinabi sakin.
"Osige na nga. Oo na sasama nako."
"YES!!! Thank you Pia. Pia my love!" At dahil sa sinabi niya napalingon ang ibang tao at nagtawanan kami.
Tapos na ang klase. Napagpasyahan kong dumaan at magpalipas ng oras sa comfort place ko, Sa likod ng school. Medyo mag gagabi na. Palubong na ang araw pero ang ganda ganda parin ng tanawin mula dito. Ung hangin, ung mga puno't halaman, ung mga bagay na nakikita ko mula rito hanggang dun sa malayo. Sobrang ganda. Kahit nakaupo lang, ang kuntento sa pakiramdam. Napapasaya talaga ako ng lugar na to.
"Pia" Ang bigla kong narinig. Natumba ako sa kinauupuan ko sa gulat.Ang buong akala ko ako lang nakakaalam ng lugar na to? Pero ngayon mas sigurado na ako kung sino siya.
"Lucas, Kelan mo ba ko titigilan sa panggugulat mo?" "bat nandito ka nanaman?"
"Sorry na. Pia.. Lagi kabang nandito?" Sabi niya.
"Kapag gusto ko ng katahimikan. Oo. Ewan ko ang payapa ng pakiramdam ko kapag nandito ako." Sagot ko sakanya nang nakatingin sa malayo.
Umupo siya sa tabi ko. Alam kong tinitignan niya ako kahit hindi ako nakatingin. Parang hinihintay niya lang akong humarap sakanya bago magsalita. "Naalala ko dito kita unang nakita." Napangiti akong humarap sakanya.
“Dito nga. Hindi ko nga inaasahan yun, Ang pagkakaalam ko ako lang pumupunta dito.”
Tinitigan niya ako ng matagal bago magsalita “Mas bagay sayo ngumiti.”
Nung sinabi niya yun bigla akong may naalala. Si papa. Hindi kami madalas magakasama pero sa tuwing nagkikita kami, o nagkakausap kami lagi niyang sinasabi sakin na ngumiti ako palagi. Nakakapagbigay daw kasi ang ngiti ko ng saya sa mga tao lalo na sakanya. Kahit na hindi kami madalas magbonding ni papa alam namin sa isa’t isa na mahal niya ako at mahal ko siya. Sobrang busy lang siya sa pagkayod para magkaroon kami ng maayos na buhay. Naiisip na kaya naging ganun siya ay dahil para makalaimutan ang ina ko. A a ko. Naging sagabal ba ako buhay niya, Hindi ba ako karapat dapat magkaroon ng nanay na makakasama ko sa ng ina na iniiwan kami. Bakit ba niya kami kailangan iwan. Ano bang nagawa ko sakanya para iwan niy pagtanda? Ano bang nagawa ko?
Biglang may pinunasan si Lucas sa mukha ko. Di ko namalayang lumuluha na pala ako. Dali dali kong tinakpan ang mukha at pinunasan ang mga luhang pumapatak.
“Una nako, Madilim na. Kailangan ko nang umuwi.” Ang huli kong sinabi bago tumayo at umalis.
Naririnig ko siyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na magawang lumingon. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Umiiyak na akong naglalakad. Pilit kong pinupunasan ang mga luha pero ayaw tumigil ng mga mata ko sa pagiyak. Hindi ko makumbinsyi ang sarili kong tumahan. Ngunit bago ako makalayo, May biglang humila sakin. Nakita kong si Lucas yun. Sinubukan kong pumiglas pero hinawakan niya parin ako. Hinila niya ako at niyakap.
"Pia, Nandito lang ako. Magiging maayos rin ang lahat. Ilabas mo na lahat, para pagkatapos nito mas magaan na. Hindi mo kailangan pasanin lahat. Nandito ako." Yakap yakap niya ako hindi na ako pumipiglas, umiiyak ako sakanya at niyakap ko narin siya. Hinawakan niya ang aking mukha at iniharap niya sa kanya sabay sinabing
"Hindi kita iiwan."
