It's Him...

58 2 0
                                    

Expressive Eyes...

Domineering height...

Bushy eyebrows...

Well built body...

He's a guy that seems like I knew for a long time..

Mag-isa akong tulala sa isang kwartong nakukulayan ng puti nang marahan niyang buksan ang pintuan at tuluyang pumasok...

Hindi ko matiyak kung tampo, kalungkutan, o pagsisisi ang mababanaag sa kanyang mga mata. Ngunit isa lang ang natitiyak ko. Ako ang dahilan ng mga 'yon..

Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin, na wari mo'y may nais isatinig..

Isa...

Dalawa....

Tatlo...

Apat...

Umabot pa ng ilang segundo at wala pa rin ni isang salita ang kumawala sa kanyang mga labi...

Unti-unti siyang nagbaba ng tingin at tuluyan na siyang tumalikod sa akin..

Hindi ko man mawari ang nais niyang iparating sakin, tumayo pa rin ako para habulin siya...

Bago siya tuluyang makalabas, nahuli ko ang kanyang nanlalamig na kamay...

Walang dalawang salita at niyakap ko siya....

Matagal bago ko naramdaman ang ganting yakap niya sa akin...

"Sorry..."

Biglang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang marinig ko mula sakanya ang katagang kanina ko pa hinihintay...

Tinitigan ko ang kanyang mga matang nangungusap na ngayon ay tulad ko na ring lumuluha...

Muli niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig habang patuloy ang aming pagluha...

I felt safe, loved, and contented that moment....

And then I woke up...

Then, reality strikes..Where stories live. Discover now