SIMULA

9 0 0
                                        

"Tagutaguan, maliwanag ang buwan. Masarap magmahal pag hindi iniwan" // Ano na naman tong post mo sa facebook teh'? May pinagdadaanan ka ba? Text sakin ni Ten. "Baliw, kanta ni Moira 'yan. San ka? Milk tea tayo." Sabi ko naman. Nagreply agad siya sakin. "Okay, 10 mins kita tayo labas ng gate ng school".

Ako nga pala si Fal. Raketera ng Quezon. Nag-aaral ako sa isang private school sa University Belt. 3rd year, Engineering. Wala ring boyfriend, at lalo na ring walang ex-boyfriend. Ang meron lang ako, mga kaibigan, tatlong lalaki, at isang babae. Yung isang babae yung pupuntahan ko ngayon dito sa labas ng gate ng school, si Ten. Andito ako ngayon sa recto, dito kasi yung meeting place naming nung buyer ko. Yup, I do online selling. Kanina pa ako nag iintay dito sa buyer ko. Sabi ko kay ate girl, 4:30 kami mag memeet,, 4:40 na dumating yung buyer ko. Lagot ako neto kay Ten.

Teka lang besh, yung buyer ko late na dumating. Galing pa daw siya ng mall. Wait mko ulit another 10 minutes, papunta na ko. Text ko sa kaniya.

Langya ka, kanina pa ko nandito. Sabi ko sayo 10 minutes diba? Teh, anong oras na? 4:55 na. 20 minutes na ko nag hihintay dito. Buti nalang madaming pogi dito sa labas. Reply agad ni Ten.

Nakikita ko na si Ten dito sa katapat ko, tatawid na ako ng Pedestrian nang biglang.

Hulaan mo kung sino ako? Lalaki, boses lalaki.

Huh? Alisin mo kamay mo sa mata ko. Sino ka ba??! Sigaw ko.

Inalis niya yung kamay niya sa mata ko at sinabing,

Ako nga pala si Pat, short for Patrick. Ikaw, anong pangalan mo? Naka ngiting sabi niya.

Gago ba to? Di naman pala ako kilala. Sinampal ko siya, at tumawid na ko ng kalye. Gagong yun, manyak.

Ten!!!!!!!!!! Sigaw ko. Di ata ako narinig, may kausap siyang babae. Naglakad na ko papalapit sa kanila.

Ano na 'teh? Kala ko bukas ka pa eh! Eto nga pala si Lou, kaklase ko sa Circuits // Ano sama ka sa'men? Excited na sabi ni Ten.

Hello Lou, nag bumeso ako sa kaniya at kay Ten. Ako nga pala bestfriend ni Ten, Fate Aio Louise, Fal nalang for short. Sabay tawa ko. Tara, sama ka samin, milk tea tayo tapos samahan niyo ko sa dorm, umuwi kasi ng province yung kadorm ko." Sabi ko.

Wow, ang dami mo namang pangalan, Fal. Haha. Tara let's!! San tayo? Tanong ni Lou.

Patrick's POV

Ganito nalang, kita mo tong babaeng naka tucked in yung shirt? Yung naka ultraboost? Turo niya dun sa babae. Takpan mo yung mata, tapos tanungin mo kung kilala ka niya. Sabay tawa ni Ferre. Kung di mo kayang gawin, ililibre mo kami sa Jollibee. Dagdag niya.

Tanginang to. Sampalin pa ako niyan! Pasigaw na sabi ko.

Pre, dapat kasi di ka nalang nakipagpustahan kay Rye. Ayan tuloy, lilibre mo kami sa Jollibee. Singit ni Ken. 

Tumakbo ako papunta sa may tawiran, at tinakpan ko ng kamay ko yung mga mata nitong babaeng to. 

Hulaan mo kung sino ako? Sabi ko.

Huh? Alisin mo kamay mo sa mata ko. Sino ka ba??! Inis na sigaw niya.

Inalis ko yung kamay ko sa mata nya at sinabi kong

Ako nga pala si Pat, short for Patrick. Ikaw, anong pangalan mo? Nginitian ko siya, nagulat ako, ang ganda niya. Mukang Dalagang Filipina, yeah!

Isa pang kinagulat ko, yung kamay niyang lumapat sa muka ko. Natulala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa kaniya. 

Nilapitan ako ni Ferre at ni Ken, tawa sila ng tawa. Habang ako, nakahawak sa muka ko. Napamura nalang ako.

Tangina niyo. Tingnan niyo ginawa niyo saken. Ang sakit, gago. Ang sakit kasi talaga. Kung sino man yung babaeng yun, may araw sya sakin. 

HAHAHAHAHA!!! Bakit kasi di mo nalang kami ni libre pre? Burger steak lang pinagdamot mo pa samin? Nasapak ka tuloy. Hahahahahahahaha! Tuwang tuwa yung dalawa. 

Gago, diyan na kayo. Uuwi na ko! Iniwan ko sila at umuwi. Pag dating ko sa bahay. Nag bukas ako ng facebook ko. Mga gagong yun, may video pala. 

128 likes. 51 Comments. 30 Shares. Caption: "Kung sino man po makakapagsabi kung sino ang babae sa video, bibigyan po ng malaking pabuya."

Comments:

SINO YAN? ANG GANDA

NAKIKITA KO YAN SA SCHOOL NAMIN. MAGKANO  REWARD?

KILALA KO YAN. HAHAHAH TAG KO NA BA?

HAHAHA ANO KA NGAYON PAT? NAKAHANAP KA NG KATAPAT MO.

Ilan lang yan sa mga comments na binasa ko. Gago ka Ferre. Yari ka sakin bukas. Nagcomment ako, ULOL. WAG KAYO MANIWALA DIYAN. BURAHIN MO TO. MAGTAGO KANA FERRE!!!! 

Fal's POV

Kakarating lang namin dito sa dorm ko, at syempre may milk tea kaming dala. Hay ang sarap talaga kumita ng pera. Sabi ko sa sarili ko. Di kasi kami ganon kayaman. Wala akong pangtustos ng luho ko. 

Hala? Girl ikaw ba to?  Tanong sakin ni Ten Hala? Ikaw nga!!!!!! Bakit mo sinampal????? Hahaha. 

Ano yan? Patingin? Bakit? Nagtataka kong tanong. Sabay silip sa phone ni Ten.

OMG, Ikaw nga. Iba ka 'teh! Sabi ni Lou.

Yang hinayupak na lalaking yun. Bigla nalang tinakpan mata ko, kala mo close kami. Di rin pala ako kilala. Sira ulo ata yan eh. Sabi ko ng may halong inis. 

Biglang tingin sakin ni Ten. Meron ka bang hindi sinasabi saken, besh? Alam ko lahat sayo, pero bakit ka may scandal sa facebook?!???? Ang kulit ni Ten. 

Wala nga!! Di ko kilala yan. Kilala mo naman mga kaibigan ko diba?  Malay ko lalaking yan, kung anong trip niyang sa buhay niya. Galit na sabi ko.

Kinausap ko si Lou about her program, acads and inintroduce ko sa kanya yung online shop ko.. Habang si Ten naman, patuloy na nag fe-facebook at tunog ng tunog ang messenger niya. May kausap si ate girl. Siya naman ata yung may tinatago saken eh? Ewan ko ba dito. Bahala siyang mag kwento kung magkkwento siya.

Sakto!!! Naghahanap kami ng mga gamit pang set-up sa welcome party nung kaibigan namin. Uuwi na kasi siya from Middle East. Meron ka ba 'nun? Mga ballons and party stuff? Tanong ni Lou.

Oo naman, pwede na rin ang mag setup nung party niyo if you want. Bibigyan nalang kita ng discount since friends na tayo. Hahaha!  Basta sabihan mo nalang ako kung kelan at saan. I got you! Sagot ko.











You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VeridicalWhere stories live. Discover now