Typical Morning

11 0 0
                                        


Hi, Ako nga pala si Lindon, simpleng tao lang ako, Gumigising araw-araw, at pumapasok sa Eskwelahan, sasagot sa mga dapat kong sagutan, tatayo kapag tinawag ng titser ko, sumusunod sa mga dapat kong gawin. Pagkatapos ng eskwela akoy uuwi na, kakain at gagawin ang aking mga takdang aralin para sa araw ng bukas, Simple lang ang buhay ko , minsan nga parang pakiramdam ko paulit-ulit nalang ang mga nangyayari, parang CD, paikot ikot lang. Pero isang araw, hindi ko alam na ito na pala ang simula ng malaking pagbabago sa aking buhay, Ito ang kuwento ko, "Lindon!!! Gumising kana, Tanghali na, at papasok kapa, Anong oras na oh? ayusin mo na ang uniporme mo, paplantsahin mo pa yan, Maliligo kapa, ang tagal mo pa namang maligo, para kang babae!" Un ang boses na naririnig ko sa aking diwa nung umagang un , boses pala un ni Inay at ginigising na niya ako ,dahil ako ay mahuhuli na sa klase, Huh? Alas siyete na pala? Mahuhuli na talaga ako, "Nay!!!! May pagkain na po ba?" Ang aking tanong sa aking Ina, "Oo Lindon, naku bata ka, kanina pa kita ginigising eh para kang patay kung matulog, siguro nagpuyat ka nanaman kagabi no? Ano bang ginawa mo ?"Gumawa lang po ako ng aking takdang aralin Nay" sagot ko. "Ah ganun ba? O sige kumain kalang diyan at maligo ka pagkatapos, ako nalang pala ang magpaplantsa ng damit mo.." "Talaga nay? Salamat po. Tapos na po akong kumain nay, Maliligo napo ako huh" ang aking sambit sabay halik sa pisngi ng aking Nanay, " O sige bilisan mo huh" sagot niya. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis at kinuha ko ang mga gamit na gagamitin mamaya para sa aming Science Class, sa Chemistry, Sabay kuha ng aking bag at papasok na, "Nay! Pasok napo ako , baon kopo? "O ayan , pagkasyahin mo nalang yan sa buong araw mo Lindon huh? Pasensya kana at maramin gastusin ngayon , Mahina ang kita natin sa Jeep ngayon, kaya ito lang muna ang baon mo huh? Babawi nalang ako bukas," wika ni Inay. "Salamat Nay, Hayaan nyo po mag-aaral po ako ng mabuti after po nitong 3rd year , isang taon nalang magiging College na po ako, pwede po ako mag-working student para po makadagdag na tulong sa inyo ni Itay. Sige Nay, Lakad napo ako , Ingat po kayo dito sa bahay huh? Huwag po masiyadong magpapagod sa gawaing bahay andiyan naman po si Lorie , wala po siyang pasok ngayon" Sabay halik sa pisngi ng Nanay .


Unang Pagkikita

 "Lindon asan Id mo ?" Wika ng Guard ng aming paaralan , " eto po manong Guard, di ko lang po nasuot kasi nagmamadali po akong pumasok" ang aking sagot. "Sige pumasok kana magsisimula na ang unang klase" Sagot niya. "opo Salamat" sagot ko naman, Lumipas ang aking mga subjects hanggang dumating ang Subject na Chemistry "Good morning Class" wika ni Sir Robert "Good Morning Sir Robert" sagot namin sa kanya. "Bago nga pala tayo magsimula meron muna akong ipapakilala sa inyo" sabay pinapasok ang Estudyanteng naghihintay sa labas, Meron pala kaming transferee sa subject niya na mula sa Manila, "Class, gusto kong makilala niyo si Hannah Faith Gallardo, Galing siya sa Manila, papasok siya sa ating school bilang isang special student transferee dahil sa lahat ng subject na kinukuha niyo sa aking klase lamang siya papasok, Okay ba un class? " Wika ni sir, "Opo Sir Robert" sagot namin, Hala! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa aking dibdib? Nang Makita ko si Hannah parang huminto ang takbo ng oras ko , parang ang bagal ng oras na parang naka slow motion ba, Parang di ko na nga narining ang boses ni sir ang narining ko nalang ay " Magandang umaga sa inyong lahat, ako nga pala si Hannah Faith Gallardo, magiging kaklase ninyo ako sa subject lamang ni Sir Robert, ikinagagalak kong makilala kayong lahat" Sabay tingin sa aking kinakaupuan, Hi! Wala bang nakaupo diyan sa iyong tabi?" Tanong ni Hannah habang nakatingin sakin, para akong nabingi na ewan, ang tagal kong nakapagsalita, napipi na ata ako, Tapos biglang "Hello! Naririnig mo ba ako? Tinatanong ko kung meron ka na bang katabi diyan sa iyong upuan" wika ulit ni Hannah, para akong bumalik ulit sa ulirat "Ay wala! Walang nakaupo dito sa tabi ko, gusto mo dito ka nalang? Dito ka nalang umupo" sagot ko naman, matapos kong sabihin un ay agad lumakad papalapit saking kinalalagyan si Hannah, parang bigla nalang akong natigilan habang nakikita ko na papalapit na siya sakin, Bakit ganito ang nararamdaman ko ? sabay tanong sa sarili dahil unang beses ko itong naramdaman sa tanang buhay ko, eto na ata ung sinasabi nilang love at first sight?, nagulat nalang ako dahil sa kakatulala ko ay nasa tabi ko na pala si Hannah, "Uy, okay ka lang? tanong niya sakin, "para kasing napansin ko na kanina kapa tulala na parang ang lalim ng iniisip mo, may problema kaba? Hannah nga pala!", di ko alam kung bakit ay bigla kong kinuha ang kanyang kamay at aking hinalikan sabay sabing "Ako nga pala si Lindon, kinagagalak kong makilala ka , alam mo napakaganda mo, para akong naging yelo nung nakita kita" bigla akong natuahan na hawak ko ang kanyang kamay at bigla kong naisip ang aking mga sinabi, sabay bitiw sa kanyang kamay "Ay sorry huh, di ko sinasadya" ewan ko ba bakit ko nagawa un, Ngumiti si Hannah sabay sabing " Okay lang, nakakatuwa ka naman, sa lahat ng aking mga bagong kaklase buti nalang ikaw agad ang nakilala ko , Tiyak magiging masaya ang pagaaral ko dito sa School lalo't meron na akong makulit at mukha namang mabait na kaibigan na katulad mo, parang tumalon sa tuwa ang puso ko nung marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanyang bibig, "Ganun ba? Salamat naman at sa unang araw mo palang dito ay naging masaya kana, at masaya din ako dahil tinuring mo na agad akong kaibigan kahit unang araw pa lamang nating nagkita", Ewan ko ba pero bakit ganun nalang din kagaan ang aking loob kay Hannah, sobrang saya ko nung araw na un , siguro masasabi ko na ito na ang pinaka masayang araw ng buhay ko.

ChemistryHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora