Twin

438 25 5
                                        

"Teka lang, sissy. I need to go, kikitaain ko pa si Eros." Paalam ko kay Mia matapos mabasa ang text sa'kin ng boyfriend kong si Eros.

"Sure, sissy! Grabe ang tibay ng relasyon niyo ni Eros ah, ilang taon na nga ulit kayong mag-on niyan?" Napaisip muna siya. "Ah, oo! Grabe 6 years na nga pala kayo!" Napangiti naman ako.

"Sa katunayan, 7 years na kami. Anniverasary namin ngayon!"

Napatakip naman siya sa bibig niya dahil sa gulat at tuwa. "Hala, talaga ba? Omg, sana makaranas din ako ng relationship na kasing tibay ng inyo!"

I gave her an encouraging smile and tapped her shoulder.

"Makakahanap ka rin."

"Hay nako, sissy. Sana nga! Osya, gumora ka na 'ron at baka naiinip na sayo yang si Eros! Balitaan mo nalang ako ah!"

Kumaway ako kay Mia bilang paalam at umalis na.

Napangiti ako nang basahin ko ulit ang text ni Eros.

'Meet me at the lover's lane, I have something to tell you.'

My gosh! Ito na ba 'yon? Magpopropose na ba siya sa'kin after ng mahabang panahon na magkarelasyon kaming dalawa? Gusto na ba niyang mapunta 'to sa next level?!

Mas lalo tuloy akong naexcite! Tyaka baka may surpresa siya sa'kin kaya hindi siya pumasok ngayon at gusto niya na magkita kami, sa lover's lane pa!

By the way, kami at si Eros ay sweet lovers na since highschool. College na kami ngayon at konting awra nalang, gagraduate na kaming dalawa. Tamang-tama dahil pagkatapos naming makahanap ng maganda at stable na trabaho ay pwede na kaming magpakasal!

Hay nako Eros, alam na alam ko na talaga ang takbo ng utak mo! Sana nga wala nang makapaghihiwalay pa sa'tin.





Pero yun ang akala ko.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa matapos kong marinig ang sinabi niya sa'kin.

Para akong kinidlatan ng napakalakas. Parang nagkaroon ng end of the world. Ang pakiramdam ko, parang gustong magwala at maglupasay matapos marinig ang mga katagang 'yon galing sakanya.

"Let's break up."

Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla na niya akong tinalikuran at iniwang nakatayo sa harap ng bench kung saan siya nakaupo kanina habang naghihintay saakin.

Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang habulin. Gusto kong itanong kung bakit! Pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa'kin na gawin ang mga 'yon! Natuyuan ako ng laway at hindi ko maibuka ang bibig ko. Tanging pagluha at paghikbi ko lang ang nagawa at naririnig ko.

Kabisado ko na ang takbo ng utak niya pero ngayon lang ako nagkamali. Paano niya nagawa sa'kin 'to? Siguro ay may malalim siyang dahilan pero ano 'yon?

Lahat ng pangarap ko para saaming dalawa, nawala na parang bula. Parang papel na tinangay ng hangin at napunta na sa kawalan.

Ngayon ko palang ito naranasan sa tanang buhay ko. Ganito pala kasakit? Lalo na kung hindi mo alam kung ano ba talaga ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sayo.

Tyaka kung makikipaghiwalay siya, sana naman hindi niya sinabay sa anniversary namin lalong lalo na sa finals! Ang dami-dami ko na ngang problema, dadagdag pa siya! Nakakainis! Lalo lang akong naiiyak e.

Wala na akong pake kahit pa pinagtitinginan ako ng marami. Hindi naman siguro nila unang beses makakita ng taong umiiyak in public diba?

Nagmahal lang naman kasi ako, bakit kailangan kong masaktan ng ganito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Twin (One-shot)Stories to obsess over. Discover now