BIRINGAN

30 1 0
                                        





Ang probinsya ng Samar ay mayaman sa iba't ibang kultura at paniniwala kaya't ito'y naging sentro ng mga paniniwalang kababalaghan. Isa na rito sa kanilang pinaniniwalaang misteryosong lugar ang "Siyudad ng Biringan". Ang pangalan nito ay hango sa Waray na salita na "Birilngan" na ang ibig sabihin ay "hanapan ng mga taong nawawala." Ang mga misteryosong taong nakatira sa Biringan ay umaagaw ng buhay at kanilang dinadala ito sa kanilang lugar na sa Waray na salita ay tinatawag na "daay."
Mayroong tatlong dahilan kung bakit nila kinukuha ang buhay ng tao. Una ay ang pagkagusto sa iyo, ikalawa ay ang pagkaawa nila sa iyo at ikatlo ay ang pagkakaroon mo ng atraso sa kanila. Maraming mga bagay-bagay at mga matibay na ebidensya na nagpapatunay patungkol sa siyudad ng Biringan. Ang kanilang reyna ay nagngangalang "Carolina" na nagmula sa lugar ng "Blanca" na nasa bayan ng San Jorge, (Western) Samar.

Marami ng nagpapatunay na totoo ang bayan na ito at isa na kaming magbabarkada doon . Tanghaling tapat ng makatanggap kami ng mensahe mula sa biringan , nais nila kaming imbitahan sa isang magarbong salo salo , nung una tumanggi kami pero dahil sa kuryusidad napagdisisyonan naming pumunta doon sa bayan na iyon at makisalamuha sa ibang tao. isa kaming adventurer kaya isang opportunity ito para saamin, ang Siyudad ng Biringan ay nasa gitna ng Pagsanghan, (Western) Samar at Brgy. Concepcion Gandara, (Western) Samar .

Alas kwatro ng hapon ng makarating kami sa pagsanghan kanina pa kami nagtatanong sa mga tao kung saan ang daan patungo sa biringan ngunit nanatiling teklop ang kanilang mga bibig , ang iba'y nagugulat at ang iba nama'y natatakot hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang kanilang reaction sa tuwing binabanggit namin ang siyudad ng biringan , hanggang sa may kumausap saamin na isang matanda , kulubot na ang kanyang mga balat

" alam ko kung saan matatagpuan ang hinahanap ninyo , halika't sumunod kayo saakin " tugon ng matanda . Agad naman kaming sumunod sakanya
"Isa akong albularyo dito sa pagsanghan tawagin nyo na lamang akong tatang isco , ang siyudad ng biringan ay hindi isang pangkarinawang siyudad na nakikita nyo sa kamaynilaan mag iingat kayo dahil malaki ang posibilidad na hindi na kayo makakabalik pa sa mundong ito , at kung sa kali mang pakainin nila kayo ng kanin yung puti ang piliin ninyo " pagpapatuloy ng matanda
" bakit lolo may color green ba silang kanin doon ? " tanong ko at nag tawanan naman ang mga kaibigan ko
" merong dalawang uri ng kanin ang mga taga biringan hija , ito ay ang kulay puti at kulay itim. Kung gusto nyo pang makabalik sa mundong ito piliin ninyo ang kulay puti at kung gusto nyo namang manatili sakanilang siyudad piliin ninyo ang itim , ang mga naninirahan sa siyudad ng biringan ay hindi katulad naten na naninirahan sa mundong ibabaw , ngayon kung gusto nyong pumunta sa siyudad na iyon pumasok kayo sa gubat na iyan . Mag iingat kayo " tugon ng matanda at agad naman syang umalis

" hmm interesting " sabi ko
" guys natatakot ako , baka hindi na tayo makabalik " ysara
" ano kaba ysara wag ka ngang duwag " jino
" balik nalang tayo sa manila guys " liese
" tama si liese guys " ysara
" nandito na tayo ngayon pa ba tayo uurong ? Wag nga kayong duwag " ken
" tama si ken " me
Pinangunahan ko na ang paglalakad at agad naman silang sumunod saakin pero ilang oras na kaming naglalakad wala pa rin kaming nakikitang suyidad madilim na rin , tanging flashlights lang na dala namin ang nagpapaliwanag sa paligid
" guys nagugutom na ako " liese
" pwede bang huminto muna tayo sa paglalakad ? Ang sakit na ng mga paa ko eh " ysara
Ilang minuto rin kaming nagpahinga , may dala kaming pagkain kaya kumain muna kami bago nag patuloy sa paglalakad . Ilang sandali pa ay may nakita na kaming karatula na ang nakalagy ay " Maligayang pagdating sa suyidad ng biringan " at sa hindi kalayuan ay may natatanaw na akong mga bahay at gusali , namangha naman ako sa taglay netong kagandahan
" ang ganda " hindi makapaniwalang sambit ko
" sa wakas nakita narin naten ang suyidad ng biringan " ken
" ang ganda naman dito , ang lalaki ng mga bahay at mga gusali " jiro
" siyudad sa gitna ng gubat huh " ysara
" tunay ngang mayaman ang mga taga samar "
" tara na " yaya ko sakanila

BIRINGAN ( One Shot ) Histórias para pegar e não largar. Descubra agora