Kahit mahirap at payat ay makinis at mapusyaw ang kutis ni Osang. Kung magkakaroon man ng kapareha si X dito sa lansangan ay si Osang lang ang karapat-dapat na mapares sa lalaki. Noon ay wala lang iyon sa akin, pero ngayon ay hindi ko maiwasang hindi malungkot.


Hay, bakit kasi hindi ako ipinanganak na maganda?


"Tara tambay tayo sa Plaza Miranda!" yaya ni Maricel sa aming dalawa.


"Ay hindi pwede e, uuwi na ako sa barong ko," paalam ni Osang sa amin.


"Uy, si X o!" Biglang namilipit si Maricel ng makita ang pagtawid ng naka-sombrelong lalaki.


Kahit ako ay namilipit ng gumawi ang paningin nito sa aming tatlo. Kahit madilim na ay tila kumikislap ang kulay berde nitong mga mata— na isa sa napakaraming asset nito.


Saan siya nakatingin? Sa akin ba?


Sakto sa pagtawid ni Osang ang pagtigil ni X sa kalsada. Tila ba hinintay ng lalaki na makatawid si Osang, bagay na napansin namin ni Maricel.


"Kompirm! May gusto nga si X kay Osang!" Nakabungisngis na hinila ako ni Maricel pabalik sa gate ng simbahan.


Hindi ako kumibo. Naiwan kasi ang mga mata ko sa kinaroroonan ni X. Hatid-tanaw pa niya ang papalayong babae. Confirmed nga!


Confirmed. Ang sakit.


Bakit ako nasasaktan kung crush lang naman ang nararamdaman ko sa kanya?


O baka kasi umasa ako dahil binigyan niya ako ng isang daang piso na para bang concerned siya sa akin? Nakakainis. Bat ko ba kasi tinanggap ang pera niya? Nang dahil tuloy sa isang daang iyon, nagkaroon ako ng isang daang rason para umasa ngayon.


Balak ko na sanang bawiin ang paningin ko kay X ng lumingon siya sa gawi ko. Para akong daga na nahuli ng pusa. Mabilis akong nagbawi ng tingin sa kanya.


Ang kaso ay kahit hindi na ako nakatingin kay X ay ramdam ko na nasa akin pa rin ang mga mata niya. Na para bang sinusuri niya pati ang ikailaliman ng pagkatao ko.


Posible palang kahit malayo ang tumitingin sa'yo ay maramdaman mo ang intensidad ng paningin niya? Kasi ganon ang nararamdaman ko ngayon. At kinakabahan ako!


Siniko ako ni Maricel. "Kung ayaw mong sumama sa plaza, una na ako, ah? Magkikita rin kasi kami ron ni Berting my labs."


Nanghihina akong tumango at malungkot na hinatid ng tingin si Maricel.


Nang makaalis si Maricel ay wala sa loob na napasandal ako sa pader na malapit sa akin. Nagtago na rin ako sa mga nagtitinda sa paligid para makawala na ako sa mga mata ni X.


Ayoko sanang mag-assume, pero anong magagawa ko? Kahit pigilan ko ang sarili ko, nagrerebelde ang puso ko.

His Bad WaysWhere stories live. Discover now