1"Sa araw ng pasukan akala mo nagkaroon ng reunion, yung feeling na akala mo na more than 5 years or 10 years silang hindi nagkita-kita. Yung feeling na ang lakas ng mga tawanan at mga asaran nila.Yung feeling na yung summer vacation daw nila ay nakapunta raw sila kung saan saan, yung iba raw panay shopping, pumunta sa kabundukan upang marating ang sikat na falls, nagbeach at yung iba raw Kumain lang , nuod ng tv at natulog. Tila walang sawang tsismis habang naghihintay ng teacher. Hayss ako lang ata dito ang di nakakarelate, OP? Ma'am asan kana ba? talagang Ang section na ito ay napakaingay in other words ang gulo. Kung hindi ka sana'y siguro pati eardrum mo mababasak ng wala sa oras. Siguro kung hindi ka sanay makakasigaw ka ng "Guys, Keep Quiet."Pero nirerespeto ko nalang sila. Hinahayaan ko na lang para walang gulo because sometimes less talk, less mistake.
Trish: Hoy! Ang tahimik mo yata? Anong problema ng best friend ko hah?
Nicole: Nakakagulat ka naman! Wala. Parang di kana nasanay sa akin na tahimik lang sa klase.
Trish: Proven and tested. HAHA! Di ka parin nagbabago since 1st year ganyan kana tlaga, Wow consistent. Anyway, anong binabasa mo? Wattpad story?
Nicole: Haha! Yeah, bumili ako yesterday 'bout mystery siya. Lately kasi parang medyo mystery ang mga nangyayari sa akin. Basta I can't explain.
Trish: mystery? Anyari Bes? May hindi ka ba sinasabi sakin noh? Oy, alam ko kapag may tinatago ka sa akin.
Nicole: Wala! Ano ka ba we're best friends bat ako maglilihim sa'yo?
2" Dianne: (Clapping hands) "Quiet Guys, announcement! Good Morning mga Frogs! Esteh Classmates! Gusto ko lang ipaalam sainyo na na may bagong transferee na pogi ang magiging classmate natin for this school year.
Ana: Talaga diaane?
Trish: Paepal is real.
Dianne: Yes, I'm so much exciiited! Gusto ko lang sabihin sainyo na akin siya. Okey, kaya sana wag umepal ang isang palaka at isang kuwago diyan. I'm pretty sure naman na mas maganda ako!
Trish: So it means we are like an owl and a frog? Akala mo ba di ko alam kung sino ang pinapatamaan mo? Look in the mirror first because you will find out the real frog.
Dianne: Well, I don't need a mirror, just to prove that I'm a beautiful. I am confidently beautiful with the bangs! Look yourself such a low class.
Nicole: Trish, please wag na.
Trish: No, confidently beautiful? Seriously? Naluluka kana ba?
Dianne: Ikaw ang luuuka luuuka!
[Tumakbo si Trish papunta kay Diaane, Sinampal niya si Diaane at sinabunutan naman siya nito. Inawat namin sila ng mga kaklase ko pero sadyang hindi mapigilan hanggang sa..]
Ma'am larra: ««Anong kaguluhan to!!!»» Everybody seat down!
[Meet Ma'am Larra: Mabait sa mabait ngunit halimaw sa halimaw. Kinatatakotan kumbaga isang "Terror Teacher", pero kahit gano'n mahusay at bihasa siya sa asignaturang "History". Tiyak na mauunawaan mo ang bawat lesson na itinuturo niya. Dapat rin handa ka sa recitation, explain mo dapat ng malinaw kung hindi bibigyan ka niya ng grade na 75 or 70 sa recitation. Tinaguriang pa siyang "Miss Okey", kasi sana'y siyang gumamit ng expression na "Okey" during her lecture. Nung 3rd year high kami, naalala ko dati na yung classmate ko na si Ralph. Nahuli niyang sinusulat sa papel kung ilang beses siyang nagsalita ng word na "Okey". Kinuha niya ang papel na ang nakalagay "Ma'am Okey: Total 65"
Kaya ang ginawa sa kanya ni ma'am pinapulot siya ng mga basura sa buong campus. Dapat ang makuha niya ay 65 na piraso ng papel at 65 na plastic kung hindi ipapatawag niya ang magulang nito.]
Ma'am Larra: Very disapointed! First day of school ganito ang madadatnan ko? Imbes na dapat magaral kayo, mag advance reading o magresearch ng mga bagay na ikakaunlad niyo! Nakagawa ulit kayo ng Record breaking or new all time high na ratings dahil sa sampalan at Sabunutan. Ikaw trish honor ka pa naman din, ikaw dianne puro ka na lang ba away hindi ka ba nahihiya na paulit ulit kana lang sa Guidance office? Hindi na kayo mga bata para paulit ulit na sabihin sainyo kung pagkakaiba ng mali o tama. Nasa school kayo at wala kayo sa palengke.. Nandito kayo para matuto at para hubugin ang inyong pagkatao. Magkaroon ng disiplina sa sarili, para paglumabas kayo sa school na'to maging proud naman ang mga parents niyo.
Mr Salazar Pasensya na kung ganito ang nadatnan mo, Listen Everybody. Si Ginoong Salazar ang bagong transferee at magiging bagong classmate niyo this year. Mr Salazar you can now introduce yourself.
