Part 1 - Si Elisha

8 0 0
                                        

Makulimlim ang kalangitan at nagbabadya ng isang malakas na ulan. Katatapos lang ng huling bendisyon para sa huling hantungan ni Elias Salcedo.  Namatay ang kanilang ama sa sakit sa atay. Ang kanilang ina ay may limang taon na ring pumanaw sa sakit sa baga.

"Ate, paano na tayo ngayon?" Tanong ni Elvin.

Si Elvin ay ang kanyang nakababatang kapatid. Sampung taong gulang na ito. Siyam na taon ang tanda nya rito.

"Mag-aaral kang mabuti at ako naman magta-trabaho muna. Tutal nakatapos na ako ng dalawang taon sa kolehiyo ay pwede na akong kumita. Tutulungan ako ni Mimay na makapasok sa pinapasukan nya."

"Doon ba yun sa hacienda ng mga Monteclaros?"

"Oo. Nangangailangan sila tao para tumulong sa opisina ni Madam Cecilia. Parang clerk lang. College undergraduate ang hinahanap at si Mimay ang nag-refer sa akin. Sa Lunes daw magpunta ako sa hacienda at dalhin ang resume ko."

"Sana matanggap ka ate. Di ba boss naman ni Mimay si Madam Cecilia kaya panigurado lamang ka sa ibang mga aplikante?"

Matamang nagkatingin si Isha sa nakababatang kapatid. Kailangan nyang kumayod ngayon. Ang lupang kinatitirikan ng bahay nila ay bigay ng mga Monteclaros sa kanilang ama sa pagiging tapat na tauhan sa loob ng dalawampu't limang taong paninilbihan nito. Bawas na iyon sa alalahanin nya. Pang-araw-araw na pagkain at pangangailangan nilang magkapatid na lang ang kayang iisipin.

"Umuwi na tayo at mukhang uulan ng malakas. Bumalik na lang tayo bukas dito." aya nya sa kapatid.

Nilingon nya ang ang pinaglagakan sa ama at umusal ng panalangin na sana ay gabayan sya sa mga susunod na mangyayari. Maaaring mahirapan sya pero kakayanin nya. May kapatid na umaasa sa kanya. Makakaraos din sila kapag kumikita na sya. Mag-iipon sya at tatapusin nya ang kanyang kursong Business Management para makahanap sya ng trabaho na mas malaki ang suweldo. Hindi naman sya kagandahan para mag-ambisyon na makahanap ng mayamang asawa katulad ng kapitbahay nila na nagpunta sa Maynila at maswerteng nakahanap ng asawang mag-aahon sa kahirapan. Biglang pumasok ang isang imahe ng lalaki sa kanyang isipan at napangiti sya. Ah, limang taon din. 

My ElishaStories to obsess over. Discover now