kulang ang papel para sa gusto kong isulat
kulang ang gagamiting tinta para ang lahat ay mamulat
di pa sapat ang maibibigay tulong naming manunula(t)
para buksan ang kamalayan ng lahat.
malapit na po ang matinding sakuna
baka dumating na bukas o sa makalawa
hindi natin alam kung anong magaganap na trahedya
kailangan bang mangyari pa yun para tayo ay magkaisa?
ang hirap ng buhay ay hindi na sana natin nadadama.
kung nagtulong tulong na nung umpisa
kung hindi tayo naninira ng kapwa
para lang ang buhay guminhawa.
pantay pantay na pamumuhay ang pangarap ng karamihan
isang kahig isang tuka sana ay mawakasan
wala ng maiiwan na mamamayan sa kahirapan
kung tayong lahat ay magtutulungan.
tanging himala nalang ba?
na lahat magkaisa
mahirap , mayaman o may kaya
magtulungan para sa kinabukasan ng isa't isa.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Ang tula ng buhay ko 🙋
ŞiirBugso ng aking damdamin, tanging sa tula'y sumasalamin. 📜
