Hindi kita kilala, maging ikaw sa akin,
Hanggang tanaw na lang ba ang aking pag tingin?
Maari mo bang ibalik sa akin,
Ang pagmamahal kong sayo'y ibinaling.
Nakikita kita mula sa malayo,
Tanaw ng bintana o kaya ay pinto,
Masaya ako kapag nakikita ka,
Sana'y mapansin mo lihim na pagsinta.
Sa tuwing ika'y nakakasalubong ko,
Ramdam ang kilig, di mo napapansin,
Ganito na lang ba ang kalagayan ko,
O may pagasa pa kaya ako.
Lihim ang lahat, ang lahat sa atin,
Lihim rin naman ang aking pagtingin,
Lihim mo rin kaya akong ginugusto?
Sana naman ay magkatotoo.
Dear Readers,
Sana maapreciate niyo. Pwede kayong magrecommend kung anong topic ang gusto niyo. Gagawan ko siya ng about 2-4 stanza.
Feel free to comment. Thank you.
Crazylittle0ne
BINABASA MO ANG
A Collection of Poems
PoetryA collection of poems is featured through this. It may be all about love, friendship, family, etc. This are all based on the idea of the author.
