"PerIm"

79 18 1
                                    

"Perpektong Imposible"

Unang pagdapo pa lang ng mga mata
Atensiyon kong buo iyong nakuha
Mula sa malayo aking natatanaw
Mga ngiting mong nakakalusaw
Dahilan ng puso kong pagkatunaw

Paligid ko'y di pansin
Tanging sayo lang nakatingin
Umaasang sa direksyon ko ika'y tumingin
Upang sarili ko'y iyong mapansin

Bawat oras lalo kitang nakikilala
Nasaksihan ang pangyayaring ika'y nag-aalala
Pangyayari kung saan ika'y napaiyak dahil sa pagkabigo
Ngunit ika'y buong lakas na bumangon

Nagpatuloy at lumaban para sa pangarap
Kasama ang mga taong ayaw kang mawala
At mga taong sayo'y naniniwala
Na iyong mararating ang minimithing pinapangarap

Nakangiti ko kayong pinagmamasdan
At nangangarap ding ako'y kasamang nariyan
Kasabay niyong tumatawa at nagkwekwentuhan

Kahit malabong mangyari sa tunay na buhay
Ang imahinasyon kong makulay
Na pag-ibig ko'y sayo'y maging tulay
Upang pangarap kong maging 'tayo' ay maging tunay

Ngunit isang araw ako'y nauntog
Nasasaktang napahawak sa ulo kong nauntog
Tumatawa habang may mga luhang tumutulo
Sa di malamang dahilan ako'y napahagulgol

Sa kadahilanang ako'y may napagtanto
Na ang mga pantasya ko'y di magkakatotoo
Kahit anong gawin upang ika'y makasama
Ay walang saysay at walang mapatutunguhan

Kailangan tapusin at kalimutan
Ang nadarama ng puso kong ito
Sa taong alam kong hindi nabubuhay
Hindi nabubuhay sa mundong tunay

Siya'y isang dakilang tauhan
Mula sa pinapanood kong palabas
Isang tauhang naging inspirasyon ko
Naging sandigan ko tuwing ako'y malungkot
Na tumatak sa puso at isipan ko

Siya ang kasama ko sa mundong nag-iisa ako
Siya ang nag-iisang taong hindi ako iniwanan
Hindi man siya totoo sa mundong ito
Ngunit pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa

Ako'y baliw kung maituturi
Taong nagkagusto sa isang karakter
At umaasang kami'y magtatagpo
Malalapitan at aking mayayakap
Higit sa lahat masasabi ang totoong nadarama

Muli akong napatawa sa aking pinag-iisip
'Perpektong Imposible' ang tanging hinahangad
Kung baga isang napakalaking himala ang kailangan
Upang lahat ng hiling ay magkatotoo

Kaya kahit mahirap at masakit
Dapat ng tanggapin
Dapat ng tapusin
Dapat ng kalimutin
Dapat ng simulang mahalin

Simulang mahalin ang sarili
Pagod na ang aking katawan
Sawa na sa madilim na silid
Ayaw ng manatili sa katahimikang ito

Unti-unti na akong lumabas upang makita na ang paligid
Ang pinagmamalaki niyang paligid na ka'y ganda
Ang sariwang hanging kanyang sinasabi

Natutunan ko muling makipagkaibigan
At nakadama na ng pinagmamalaki niyang saya

Lahat ng kanyang mga inusal
Na aking pinakinggan at tinandaan
Unti-unti ng nakikita at nararamdaman
Nauunawaan at nalalaman na ang mga bagay sa paligid

Hindi ako nagsisising ika'y nakilala
Kundi nagpapasalamat dahil ika'y natagpuan
Ika'y aking nagustuhan noon
Na ngayon isa ng lamang munting alaala

At sa huli ako'y umaasa pa ring may makilala
Na katulad mong mapagmahal at mapag-alala
Na hinding hindi ako iiwan

Nagpatuloy ako at lumalaban
Upang mas makilala pa ang napakagandang kalikasan
Upang makatagpo at makahanap ng tulad mo
At ng malaman ang totoong reyalidad na sinasabi mo.

-Miuna, Ke


Perpektong ImposibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon