Azú Velvet Drevon

24 3 1
                                        

""Anong lugar ito?"nagtatakhang tanong ko sa aking sarili. Bakit tila ako'y nandirito sa isang batis. At napakaraming ginoo't binibining na nakapalibot sa akin, at tilay may hawak na kung anong bagay na nakatutok sa akin.

"Gng?" tanong ko isang babaeng malapit sa aking kinaroroonan. Tinaasan niya lamang ako ng kaniyang kilay.

"Duh, what did you say to me? Gng?" balik na tanong ng babae.

"Maaari ko bang malaman kung nasaan ako?" tanong kong muli.

"Duh are you crazy? You're so insane. Did'nt you realize that you're in the fountain?" sagot naman nito.

Hindi ko siya masyadong maintindihan. Ngunit fountain? Ano yon? At napapaligiran ako ng mga tao, at tila ako'y pinagtatawanan. Ngunit isa lang ang nasisigurado ko, kailangan ko ng makaalis rito.

Tatakbo na sana ako, nang pigilan ako ng Gng."Hija halika rito ayos ka lang?" Saad nito at tinulungan akong makaalis sa lugar na iyon.

Nang makaupo kame sa isang mahambang salumpwet ay kinausap niya ako.

"Hija parang hindi ka pamilyar sa lugar nato hindi ka ba taga rito?
Gusto mo bang ihatid kita sa bahay nyo.?"

Naintindihan ko naman kahit papano ang mga salitang ginamit nya ngunit tila may naiba sa mga salitang ginamit nya na hindi ko man lang napagaralan .

"Hindi ko ho alam ang lugar ba ito,at hindi ko rin ho alam kung pano ako napadpad doon"at aking tinuro ang tilang malaking batis na pinanggalingan ko kanina

"hayst gusto mo bang dalhin kita sa bahay?"pag aalok niya

Tumango na lang ako bilang tugon dahil hindi ko ren naman alam kung na saan ako .Nagpati anod ako habang hila nya ang aking palapulsuhan.

Biglang may umilaw at tumunog na isang bagay. "Ring Ring~" Nilagay naman ito ng Gng. sa tapat ng kaniyang tenga.

"Hello? Mrs. Drevon's speaking...Yes...uhm...We're going home before 3... Okay...Bye." Sagot nito, at binaba ang kung anong bagay na tinapat niya sa tenga kanikanina.

"Hey miss?" Tanong ng Gng. "Are you there?" Tanong muli niya. Di ko naman maintindihan ang ibang sinasabi niya, kaya "Yes?" Tanong ko, may kaalaman naman ako ng kaunti sa ingles. Ngunit 'di ako bihasa.

"Uhm let's go home?" Sabi niya, at naglakad palapit sa isang sasakyan. Sinundan ko na lang siya.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita at nakasakay sa isang sasakyan na nalipad. "Anong klaseng sasakyan ito?" Takhang tanong ko sa Gng. "It's a Flycar207." Sagot naman nito, na hindi pa rin inaalis ang kaniyang paningin sa harapan."

Tatlong taon na rin ang lumipas. At simula ng araw na iyon, nagkaroon ako ng bagong buhay, bagong pamilya, bagong pangalan.

And from now on I'm Aezu Velvet Drevon, daughter of Eze and Evelt Drevon.

"Ring ring~" napatingin ako sa ibabaw ng side table ko. Nagriring ang cellphone ko. Alam ko na rin ang cellphone, at kung anong gamit nito. It's used to communicate to other people, na malayo sa'yo. It also have a hologram. Manghang mangha ako sa mga bagay bagay na nandito dati, pero ngayon unti-unti na rin akong nasasanay. So mabalik tayo sa tumatawag. "Hello! Ms. Drevon speaking." Bungad ko. "...yeah...later...sure...bye."
Binababa ko na ang phone, at lumabas sa kwarto ko. Automatic lahat ng bagay dito, kailangan lang ng fingerprint or code para umandar o mabuksan.

Bumungad sa akin si 'Al367A' isa siya sa apat na maid robot namin. Para rin lang siyang tao.

"Good morning madame!" Bati ni Al367A, at nagwave. "Morning, where's mom and dad?" Tanong ko sa kanya. "Mr. and Mrs. Drevon, are experimenting again, at their lab." Sagot nito. Tumango na lang ako, pumunta na sa elevator namin.

Pumunta ako sa lab nila mom and dad. "Last equip na lang ang kulang."

Destined?Where stories live. Discover now