1 | 10 PM thoughts

91 7 3
                                        

Tears come from the heart


Hi mahal hindi ako makatulog. Iniisip kita.






Laki parin ng mata ko. Pwede na yata akong ipalit kay Garfield sa sobrang laki. 😂 Pano ba naman mahal, pinagi-initan yata ako ng mga tao sa paligid ko. Pero di bale na mahal, sinasabi ko lang naman sayo kung di mo natatanong. Okay lang naman ako mahal bukod sa maghapon na palipat lipat ng classroom.



Hindi nanaman ako nag-almusal. Kasi naman nagising ako kaninang madaling araw, mga alas dos tapos nanood muna ako ng mga video sa YouTube para dalawin uli ako ng antok. Tapos ayun nakatulog ako. Hindi ko pala nakukwento sayo mahal, nanaginip ako.😊


Napanaginipan kita. 😢 Umiiyak ako kasi gusto ko sana totoo nalang yun. Alam mo ba kung bakit? Ikinakasal tayo. Bawat tanong ng pari, oo ang sagot mo. Ang sarap sa pakiramdam mahal. Pero noong maramdaman ko na magaalas-sais na ng umaga, ayoko mang itigil yung kasalan, pinutol ko nalang yung panaginip ko. Sayang kasi sasabihin na dapat ng pari "I now pronounce you, Husband and Wife. You may kiss your bride"



Kaya ayun late ako nagising mahal. Balak ko pa sanang magluto ng corn beef. Paborito ko kasi yung Purefoods na corn beef. Kaso tinanghali ng gising kaya pumasok ako na wala nanamang laman yung tiyan ko.



Okay naman yung buong maghapon mahal. Okay lang ako mahal. Okay lang ako kasi anjan ka. Okay lang ako kasi okay ka.


Pero umiral nanaman yung pagka-baliw ko kaya ito napala ko.



Para akong dinadaganan ng sampung elepante. Parang may barbwire yung puso ko. Ang sakit. Kumikirot.



Wala nanaman akong mukhang ihaharap sayo. Sorry mahal. Patawarin mo sana ako.


-Aria

HerStories to obsess over. Discover now