Prologo

1 0 0
                                        

8:30 pm.

Nagising si Amanda sa pagkakatulog ng mahimbing. Nako po, 8:30 na. Baka nandoon na sya.

Dali daling akong tumayo, naghilamos at umalis sa apartment. Alam kong medyo malelate ako ngayong gabi sa pakikipagkita sa nag-iisa kong kaibigan.

Tama nga ako, nakita ko syang nakaupo sa bench sa park. Dali dali akong lumapit sa kanya.

"You're late. 17 minutes late, Amanda." sabi nya sa akin habang nakatingin sa relo nya. 9:17 na pala.

"Sorry, medyo nalate ako ng gising."Depensa ko naman.

"Not a big deal."Umupo ako sa tabi nya. Nakita kong umiinom nanaman sya ng alak na nasa lata.

"May problema ka ba?"Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Medyo bored lang ako ngayong gabi."Tumingin ako sa mga mata nya, blanko lang ang ekspresyon. Siguro ay pagod nanaman sya galing sa trabaho. "Anong nangyari sayo ngayong araw?"Tanong naman nya.

Ano bang nangyari kanina?

"Inake ako ng anxiety." Sagot ko naman.

"Bakit? Anong nagtrigger?"Para syang biglang bigla. Tiningnan nya ako sa mata.

"Sobrang daming tao kanina sa mall. Di ko pa rin pala kaya." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Huwag mong pilitin ang di mo pa kaya." Uminom sya ng alak. Nakatingin lang ako sa mga mata nya. "Lahat nang bagay ay hindi minamadali, kapag di mo pa kaya. Huwag mong gawin."

"At some point, alam ko sa sarili kong kaya ko na eh. May isang bagay lang na pumipigil sa akin. Siguro kasi masyado akong insecure sa sarili ko, to the point na akala ko lahat ng taong makakakita sa akin ijajudge ako." Uminom uli sya galing sa lata.

"Alam mo ang buhay parang itong latang hawal ko. Bawat isang lata may laman, bawat isang lata may misyon na magpasaya. Sa tingin mo, bakit bibili ang mga tao ng alak?" tanong nya sa akin.

"Kasi, gusto nyang kumawala sa stress ng buhay?"

"Tama. Habang may laman pa ang lata, bigyan mo na ng kahulugan. Ienjoy mo ang nalalabing oras na may laman pa sya. Dahil pagnaubos na. Di mo na mapapakinabangan pa. Isa na lang syang latang nagpasaya sa iba." Sagot nya sa akin. Nagkatitigan kami sa mata. Itong taong ito, sobra sobra talaga akong nagpapasalamat dahil nakilala ko sya.

Umilaw ang phone nya, mukhang may nagtext.

"Kailangan ko nang umalis, Amanda." Nalungkot ako, sobrang bilis naman ng oras.

"Sasandali palang, aalis ka na kaagad."

"Babalik naman ako bukas ng alas nuebe. Magkita na lang tayo." Hinalikan nya ako sa noo at naglakad palayo.

Mag-iintay nanaman ako ng oras. Nakatingin ako sa mga butuin sa langit, sana palagi nalang alas nuebe ng gabi.

Nawawalang Oras Sa OrasanHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora