"ANG PANLILIGAW NOON AT NGAYON"
( NOON )
Mga mababangong bulaklak.
Mga kahoy na sinisibak.
Mga liham na 'kay busilak.
Ang handog sa dilag na sing
Ganda ng bulaklak.
Mga Harana. Ito'y paraan ng panliligaw.
Lumikha pa ng awit,
Upang dilag ay mabingwit.
Sa bukid ang tagpuan.
Para lang kumain at magkwentuhan.
Mga mukha nila'y di maipinta sa sobrang kasiyahan.
Maging ang kanilang tawanan.
Tila kaysarap pagmasdan.
Kay tagal sinuyo.
Ang dilag na minamahal ni ginoo.
Nagpaikot pa ng husto.
Bago ibigay matamis na "Oo"
Ngunit bakit parang nagbago?
Bakit naiba ating istilo?
May mas maitutulong ba ito?
( NGAYON )
Cellphone ang laging katabi.
Nagaantay sa tugon ni binibini.
Naguusap t'wing gabi.
Na magkita, kahit na'y gabi.
Nahulog agad ang dilag sa binata.
Ginamitan lamang ng matatamis na salita.
Mahal na raw nila ang isa't-isa.
Kaya't "M.U" na raw sila.
Maging sa FB "In a relationship"
ang status nila.
Kay bilis magligawan.
Na animo'y napipilitan lamang.
Ang tunay na pagmamahal, Naaantay.
Hindi sapilitang iaalay,
Sa taong di ka naman mahal.
Tula ng tunay na pagmamahalan.
Awit mg pusong handang maghintay.
Kahit ialay,
Sariling buhay.
