"Kamusta ka na? It's been, what? 10 years?"

Sabi niya bago uminom ng kape. Napangiti lang ako bago uminom nalang din ng kape mula sa puting tasa na nasa harapan ko bago sumagot.

"Okay naman ako. Nagtatrabaho as Interior Designer. Ikaw? Wow, don't tell me...?"

Sabi ko bago ngumiti. She smiled proudly bago tumango. Naalala ko pa kung gaano niya kapangarap noon na maging isang Lawyer at ngayon, mukhang nagawa na niya. Pero alam ko naman na yun eh, hindi naman sa sinasabi kong iniistalk ko siya minsan pero parang ganun na nga.



Napatitig ako sa maganda niyang mukha. Parang walang pinagbago.

Sampung taon na ang nakakalipat pero kung gaano siya kaganda noong una ko siyang makita sa isang Student's Council Grand Rally ay ganun pa din siya kaganda ngayon. Mas gumanda pa nga yata eh.




Ten years.

"Grabe no? Sampung taon na pala yung nakalipas mula nung..."

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil parang biglang bumalik ulit ako sa araw na yun.

Muntik na pero hindi nangyari.

"Bakit nga ba hindi tayo, alam mo na."

Sabi ko. Ewan bigla nalang. Aaminin ko, ilang taon ko ding inisip yung tanong na yun. Napangiti siya pero hindi sumagot. Uminom siya ng kape bago tumingin sa labas ng glass window ng coffee shop. Inantay ko.

Baka kasi may explanation.

She smiled and looked at me in the eyes. Alam ko kaagad na maging siya ay bumalik din sa nakaraan. Napangiti ako bago inalala yung "noon" naming dalawa.



Flashback....

Hindi ko alam kung paano ako nakapaglakad papunta sa gymnasium habang dala dala ko sa mga braso ko yung kung ano anong bagay na kailangan para sa Grand Rally ngayong araw.

Alas-sais palang ng umaga ay andito na kami ng mga kaklase ko sa Fine Arts para mag decorate ng stage na gagamitin. Kung bakit naman kasi kami pa ang natoka dito. Mejo may halong inis kong ibinagsak sa sahig yung mga materials at laking pasasalamat ko na walang nasira sa mga yun.


"Mainit pa din ulo mo? Wala kang magagawa, brad. Alam mo na, pag sinabi ni Mr. President, dapat gawin."

Natatawa pero halatang naiinis din na sabi ng kaibigan kong si Vhong habang isinasalansan yung malalaking letra na ididikit namin sa stage mamaya. Napakunot noo ako nung mapansin na hindi pa tapos ang mga yun.



"Teka, bakit ganyan pa itsura ng mga yan? Mukhang naglasing kagabi tapos may hang over pa ngayon. Tsk!"

Sabi ko habang inaayos naman yung mga tin cans ng paint. Tumawa lang si Vhong bago ako tinignan at pailing-iling pang nagsalita.

"Chill ka lang jan. Napaka-seryoso mo naman. Akong bahala."

Sabi niya. Umasa ako. Umasa talaga ako na matatapos niya.






"Nagsisidatingan na yung mga freshmen!! Nagsisidatingan na yung mga prof! Ano na!"

Galit at namumula nag mukhang sabi ni Jhong saamin. Siya yung current, SG President at overall organizer ng Rally. Sinamaan ko ng tingin si Vhong na relax na relax pa din habang kinukulayan yung isang letra.

"Matatapos ba yan ngayon o kailangan kong ipostpone tong rally tapos isumbong kayo kay Prof. M!?"

Mejo kinabahan ako sa sinabi niyang huli. Si Mr. M ang head ng department namin at alam na alam kong malakas tong lecheng Jhong na to sakaniya dahil pamangkin niya. Napalunok ako, ang huling bagay na ayokong mangyari eh yung magkaproblema ako sa grades ko dahil lang sa isang letter na hindi nakulayan.

PlaylistWhere stories live. Discover now