Unang pagkikita
Sa classroom na magulo
Pero masaya
Isa ka roon sa mga magugulo.
Nakita ko pagkabibo mo
Akoy napatawa sa lahat ng joke mo
Kinaibigan kita..nagkalapit..at nagkalapit pa.
Sabi ko...
Hindi ako maiinlove sa taong ito
Pero sadyang magulo ang tadhana
Akoy nahulog sa bitag na aking hinukay.
Akala ko yun na yun
Pero hindi pa pala
Akala ko tayo na
Pero hindi pala.
Katutuhanang kailangang tanggapin
Akoy lumayo
At nagkaroon ng bagong kaibigan
Isa rooy may gusto sayo.
Nasaktan ako..totoo
At nalaman kung gusto mo rin sya
Masakit isiping kayong dalawa ay pareha.
Iniisip ko nga kung dapat ba akong matuwa o masaktan.
Matuwa..dahil sa kaibigan kong masaya sa piling mo.
Masaktan..dahil sa katutuhanang masaya karin sa piling nya.
Pero kailangang tanggapin.
Mahal kita
Pero mahal mo sya.
Alam mo ba naisip ko ring pareha tayo ng kalagayan noong una.
Pero hindi pala.
Ang layo nating dalawa
Ako mahal kita pero hindi mo ako mahal
Ikaw mahal mo sya..at mahal ka nya.
At yun ang katutuhanan
At kailangan kung masaktan
At mahal mo sya.
Hope you like it guys!
