Dahil sayo

14 0 0
                                        


Ika'y isang karakter sa isang pahina
Na siyang gusto 'kong makasama
Hanggang sa dulo ng aking nobela
Payag ka ba?

O sinta,tinig mong napakaganda
Nagsisilbing ritmo sa napakagulong musika
Mga nagniningning mong mata
Na parang bituin sa langit, tinitingala

Sa bawat tinginan at ngitian
Puso'y di maiwasang mahulog
Tulad ng eroplanong papel
Pinapalipad ngunit nahuhulog

Hawak ang papel at lapis
Nakaupo, pinagmasdan ay langit
Sa aking isipan,larawan mo'y nabuo
Ng Dahil sayo, ako'y sumulat nito

Dahil SayoWhere stories live. Discover now